Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
Mid-December 2015
|
Features Gallery
|
|
|
Kauumpisa pa lang ng Disyembre ay init ng ulo na ang nangingibabaw sa mga OFW
sa kahabaan ng tulay mula sa Admiralty Centre hanggang sa bagong lugar ng Government House
sa Tamar.
Kahit palamig na ang simoy ang hangin ay nag-iinit pa rin ng damdamin kapag nakikita mo
ang daan-daang kababayan natin na muling pumipila nang ilang oras sa tulay na iyon upang kumuha
ng isang dokumentong nagkakahalaga ng 20 dolyar.
Unang nag-init ang ulo namin noong Dis 1, nang sa pagdalaw namin sa Philippine
Overseas Labor Office sa Amiralty Center Tower 1 ay napansin naming ang bawat Pilipinong dumarating
sa lift lobby ay pinapupunta ng mga guardiya sa isang sulok.
Nang tiningnan namin ay sa fire exit ng gusali pala pinapupunta ang mga kababayan nating
may pakay sa POLO, na matatagpuan sa ika-11 at ika-16 na palapag. Sila ay pinabababa sa hagdanan
at pinapipila sa sidewalk na nakapaligid sa gusali upang dumugtong sa may mahigit 200 na nauna
nang pumila roon paakyat muli sa hagdanan.
Nawawalan ng lakas-loob ang mga Pinoy, lalo yaong mga nagpaalam lang sandali sa
kanilang mga amo para saglitin ang OEC, kapag nalaman nilang ang mga nakapila roon ay nakakatatlong
oras na pero ilang metro pa lang ang iniaabante.
Nang tanungin namin ang mga tauhan ng building management kung bakit nila pinapipila
ang mga Pilipino sa kalye, pinaaakyat sa masikip na hagdanan at pinasasakay sa masikip na service lift
o elevator na gamit ng mga naghahatid ng mga abubot ito ang sagot ng isa sa kanila: "Kasi naiinis
ang mga taga-Hong Kong kapag nasisiko o nagigitgit sila ng mga katulong."
Sinabi naming diskriminasyon laban sa isang lahi iyon at kapag nakarating sa gobyerno
ay magkakaproblema ang mga may pakana. Umiling-iling lang ang lalaki at hindi na kumibo.
Binanggit namin iyon kay Assistant Labor Attache Henry Tianero nang matiyempuhan
namin siyang nasa labas ng kanyang salaming hawla sa OEC counter. Ang sagot ni ALA Henry,
"Ni-request namin iyon, kasi dumami na ang tao rito sa itaas, mahirap nang kuntrolin." Noong araw na iyon
ay 950 ang kumuha ng OEC, sabi niya.
Kinabukasan ay lalong dumami ang mga kumuha ng OEC, kaya doon na sila pinapila sa
tulay pa-Tamar. Ang bilang ay umabot ng 1,300 noong araw na iyon, ani ALA Henry.
Sinabi ng mga nakapila na apat na oras na raw sila sa kinatatayuan at halos hindi umuusad
ang pila. Ang karamihan ay OEC talaga ang pakay.
Tuwing tatanungin namin kung bakt pinili nila ang pumila nag ilang oras dono kaysa sa
magrehistro sa BM Online at sa internet na lang kumuha ng OEC ay iisa ang sagot nila: "Ano
iyon, paano iyon?"
Kung ang pagpila nang matagal ay isang paraan para matuto nang mag-apply ng OEC
sa internet ang mga OFW, harinawa'y nakuha nila ang mensahe.
Kailangan ding pag-ibayuhin ng POLO, sa tulong ng mga organisasyon ng mga OFW dito
sa Hong Kong, ang pagmumulat sa mga kababayan natin na kailangang magrehistro na sila sa
BM Online upang sa internet na lang sila mag-a-apply ng OEC.
Hangga't hindi lubusang na tatarok ng mga OFW ang kaalwanan ng pag-aayos ng
mga dokumento tulad ng OEC sa internet at hindi mawawala ang pila sa POLO.
At lalo pang hahaba ang "daang pa-Kalbaryo" na iyon ng mga manggagawang Pilipino
dahil dumarami ang bilang nila rito sa Hong Kong habang kumakaunti ang mga kasambahay na
taga-Indonesia.
Ngunit ang pinakamabuti ay alisin na lang ang OEC dahil nakararagdag lang iyon sa
mga sinisingil sa mga manggagawa nating maliit lang naman ang sinasahod. Kapag nagawa iyon
ng gobyerno, isang pako iyon na mababawas sa kanilang pasang krus.
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |