Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
December 2015
|
Tribong Pinoy
|
|
|
Pitong taon mula noong itatag ang Association of Concerned Migrant Workers, buong sigla
pa rin nitong isinusulong ang prinsipyo ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga dayuhang
manggagawa sa Discovery Bay.
Sa isang pakikipanayam sa The SUN kamakailan, binigyang-diin ni Marilou I. Canaway,
ang pangulo ng ACMW, ang kahalagahan ng pagbubuklod ng mga migranteng manggagawa.
"Gusto ko lamang ipaalam ang kahalagahan ng pagsali sa organisasyon, upang lalo
nating mapabuti ang ating mga sarili at makatulong sa ating mga kapwa-OFW. Gayundin,
upang ipagpatuloy ang pagtutulungan para sa anumang magandang adhikain ng ACMW," ani Canaway.
Ipinapaabot din niya ang kanyang pasasalamat sa mga tagapayo at kasapi ng ACMW dahil
sa patuloy nilang pagsuporta at pananatili sa grupo.
Isang malagim na pangyayari noong 2008 nang nakitang lumulutang-lutang sa dagat sa
Tung Chung ang bangkay ni Vicky Flores, isang Pilipinang manggagawa ang nagbunsod sa
mga kababayan niya sa Discovery Bay na magbuklod upang magtulungan.
Nagpasiya silang buuin ang Association of Concerned Migrant Workers para isulong
ang agarang pag-iimbestiga sa kaso ni Flores.
Nabuo ang grupo sa pakikipagtulungan ng Bethune House, Mission for Migrant
Workers, Unifil, at ng mga tagapayong residente ng Hong Kong, ang mag-asawang sina Cris Tolentino
at James Rice, Aida Poole, at Lulu Zuniga Carmine.
Nagsimula ang ACMW sa 25 kasapi, at naragdagan sila hanggang sa umabot ng 60 ang bilang.
Noong Hunyo 9 ng taong ito lang naging opisyal na rehistradong organisasyon ang grupo.
Ngunit bago pa man sila maging rehistradong organisasyon, marami nang nagawang tulong
ang ACMW.
Noong sinalanta ng bagyong Ondoy ang Metro Manila, nangolekta ang grupo ng mga gamit
na maaring mapakinabangan, at ipinadala ang mga ito sa mga biktima.
May ilan na rin silang mga natulungang dayuhang manggagawa sa nasangkot sa ibat-ibang
mga kaso ng pang-aabuso sa Discovery Bay.
Layunin ng ACMW na mapanatili ang pagkakaisa at pagkakaibigan ng bawat isa
sa organisasyon at tulungan ang mga OFW na mapabuti ang pakikitungo sa mga amo.
Handa rin silang magbigay ng tulong sa mga pamilya ng mga kasapi sa Pilipinas
na nangangailangan ng tulong.
Kabilang sa kanilang itinataguyod ang pagtulong sa mga may suliranin upang ipaintindi sa
mga ito ang mga karapatan ng isang OFW.
Sila ay aktibong sumasali sa pagsasanay para sa financial literacy na isinasagawa ng Enrich
HK, at noong Set 5, ay boluntaryo din silang tumulong sa outreach ng Konsulado sa Discovery Bay.
Meron din silang ginagawang flea market tuwing ikatlong buwan ng taon at ang kita
ay kanilang binabahagi sa mga day care center sa mga probinsiya sa Pilipinas kung saan may
nakatira silang active members.
Bukod kay Canaway, ang iba pang mga opisyal ng samahan ay sina Amy Vinas,
pangalawang pangulo; Jeanny Lyn Masculino, kalihim, at Jenalyn Galboso, ingat-yaman. Ang education officer
ng grupo ay si Myrna Castromayor.
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |