Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
|
Kapansin-pansin ang isang palapag na bahay na ito sa kahabaan ng isa sa mga
pangunahing kalsada sa Wan Chai. Sa gubat ng mga nagtataasang gusali sa makabagong distrito ay
bukod-tangi ang tila lumang tahanang nakatirik sa numero 221 Queen's Road East, kanto ng Wan Chai
Gap Road.
Ito ang may 100 taong bahay sa Wan Chai na dating ginamit ng kagawaran ng koreo.
Ngayon ang gusali ay ginagamit ng Environmental Protection Department at ito ang naging kauna-unahan
sa kanilang mga itinalagang mga Environmental Resources Center.
Malawakan ang ginawang pagpapanibago sa Wan Chai nitong mga nagdaang taon. Ito
ay kaugnay sa programa ng gobyerno ng Hong Kong para sa pagpapaunlad ng mga distrito
nito. Kabilang sa mga proyekto ang pagpapatibay at pagpapaganda sa mga lumang gusali o
paggiba naman sa mga marurupok na upang palitan ng bago. Ang mga gusaling mahalaga sa kasaysayan
ay sinagip upang mapanatili ang sariling katangian ng lugar.
Ang resulta nito ay ang kakaibang anyo ng Wan Chai ngayon, ang
kamangha-manghang pagkakasanib ng luma at bagong istruktura. Isang halimbawa ang dating pamilihan na "grade
III historic building" ay dinagdagan ng mataas na gusaling pang-residensiya. Ang pamilihan ay
inilipat sa ibabang palapag ng katabing bagung-bago at matayog na gusaling pangtirahan din.
Kaaya-ayang katangian at kayamanan ng Wan Chai ang mainam na pagkakahalo ng mga
luma at makabagong mga gusali. Kabilang na ang dating post office sa talaan ng mga napanatiling
gusali na may kahalagahan sa kultura at mga sinaunang arkitektura.
Kasama din dito ang mga templo ng Pak Tai at Hung Shing, ang binansagang Blue House at
ang Yellow House, ang The Pawn na isa nang restaurant ngayon, gusali ng Hong Kong
Tuberculosis, Chest and Heart Diseases Association na sakop ng Ruttonjee Hospital, at iba pang mga "
graded historic buildings" at mga "declared monuments" ng Hong Kong.
Sa dinami-dami ng mga makalumang gusaling ito, tanging ang dating post office na
itinayo noong 1912-1913 ang idineklarang isa sa mga monumento ng Hong Kong sa distrito ng
Wanchai. Itinakda ito noong 1990, o dalawang taon bago tuluyang lisanin ng kagawaran ng koreo ang
gusali, matapos gamitin ng 77 taon mula 1915. Lumipat ang tanggapan sa katabing Wu Chung House.
Inukopa naman ng sangay ng gobyerno na nangangalaga sa kapaligiran ang munting bahay
mula 1993 hanggang sa kasalukuyan. Ginawa itong sentro ng edukasyon tungkol sa lahat ng bagay na
may kinalaman sa kapaligiran at kalikasan. Ito'y isang paraan ng pamahalaan upang
bigyang-impormasyon ang mamamayan sa kahalagahan ng kalikasan upang magkaroon ng sapat na
kaalaman sa pangangalaga ng kapaligiran.
Walang gaanong binago sa loob at labas ng dating post office maging sa mga kagamitan.
Ang antigong kahoy na ginamit ng koreo bilang service counter ng mahigit pitong dekada ay patuloy
pa rin sa kanyang dating serbisyo na inabot na nga ng mahigit isang siglo. Sa ibabaw nito ay
makikitang nakaayos ang mga art work mula sa basura. Ang mga mail boxes ay buo pa rin sa matitingkad
na pulang kulay na pinagsisidlan na ngayon ng mga libro at ibang babasahin tungkol sa
kapaligiran. May mga VCD at CD-ROM na pwedeng panuorin sa loob ng tanggapan dahil may mga computer
na rin para sa mga interactive green games o pang-internet. Sa isang bahagi ay may modelo
o paglalarawan ng tinatawag na renewable energy kung paanong ang araw, hangin, tubig at biofuel
ay ginagamit para magkaroon ng kuryente.
Ang munting talon ng tubig sa maliit na hardin sa labas ng gusali ay yari sa sinaunang
gilingang bato. Binuo naman mula sa mga lumang laryo o "bricks" ang pader sa likod nito. Ang upuang
gawa sa recycled na plastik ay nasa silong ng salaming bubong. Ang buong bahaging ito ng bakurang
nasa lilim ng malagong punong manga ay tanawing may pamilyar na dating sa mga Pinoy. Dito
malaya ang kaisipan sa paggunita ng kasaysayan ng lugar o pag-alaala ng kaparehong pook sa Pilipinas
na nakapagdudulot ng payapang pakiramdam.
Bukas ang tanggapan mula 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon araw-araw maliban
kung Martes at sa mga araw na pista-opisyal. Magiliw na aalalay ang mga tauhang nangangasiwa dito
para sa mga katanungan at magbigay ng mga karagdagan impor-masyon. Layunin ng departa-mento
na imulat ang mga tao sa kanilang komunidad kaya malugod nilang ipinama-mahagi ang listahan
ng mga makasaysayang lugar o istruktura tulad ng mga Green Trail at Heritage Trail. Kaya
kung nanaisin ay maaring humingi ng listahan upang ang simpleng pagdalaw sa luma at dating
tanggapan ng koreo ay maging umpisa ng mas makabuluhan at higit pang paglalakbay.
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |