Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
Mid-November 2015
|
Buhay Pinay
|
|
|
Alas siyete ng gabi nang matapos ang playdate ng alaga ni Mila sa bahay ng
kanyang
kaklase. Inihatid ang bata ng kanyang magulang na Briton, at si Mila ang susundo.
Kabilin-bilinan ng amo
na hangga't maari ay huwag silang sumakay ng taxi dahil meron namang bus. Pilit
sinunod ni Mila
ang utos, pero halos na silang naghihintay ng alaga ay hindi pa rin sila makasakay
ng bus. Lahat
ng dumadaan ay punong-puno kaya hindi na tumitigil sa kanilang kinatatayuan. Maya-
maya ay
nilapitan sila ng isa sa dalawang lalaki na naghihintay din ng bus, at niyaya
silang magsabay na lang sila
sa taxi at maghati sa bayad. Takot na lumayo si Mila na ang iniisip ay baka dukutin
sila ng
kanyang alaga. Hindi niya mapigilan ang hindi manginig at manlamig ang mga kamay,
hanggang
may dumating na taxi. Pinauna naman sila ng mga lalaki na sumakay, ngunit kinausap
ng Intsik
ang drayber pagkatapos. Sumakay ang isa sa mga lalaki sa harapan, at ang isa ay
tumabi kay Mila.
Halos himatayin si Mila sa nerbiyos at kinailaingang kurot-kurutin ang mga kamay
para masigurong
hindi siya hihimatayin. Habang nasa daan ay tinanong siya ng katabing lalaki kung
ano ang
kanyang iniisip, dahil nahalatadaw nito ang kanyang pananahimik atmalaking takot.
Sinabi naman ni
Mila na pinagbilinan kasi sila ng kanyang amo na huwag sumakay ng taxi, kaya lang
ay lumalalim na
ang gabi kaya nagdesisyon siyang suwayin na ang utos. Naibsan ang pag-aalala ni
Mila nang bumaba
ang mga lalaki bago sila inhatid ng taxi sa kanilang tirahan sa Wanchai. Si Mila ay
30 taong gulang,
may tatlong anak, at apat na taon na sa Hong Kong. ---
Grace Gonzaga
Urong-sulong
Isang linggong may camping ang alaga ni Elsa, at sinamantala niya ang
pagkakataon
para magpaalam sa amo na lalabas siya ng maaga sa araw ng Lunes. Pumayag naman ang
amo,
ngunit nakiusap na kung maari ay ibaba muna niya ang alagang aso ng alas sais ng
umaga bago siya
umalis, o kaya ay ibilin niya sa mga kapwa katulong niya na kapitbahay rin nila.
Kinausap ni Elsa si Rosie
na katulong ng kapitbahay na katrabaho ng kanyang amo, at pumayag naman ito. Agad
na pinaalam
ni Elsa sa kanyang amo ang usapan nila ni Rosie. Linggo ng gabi ay pinuntahan muli
ni Elsa si
Rosie para ipaalala ang kanilang usapan. Kinaumagahan ay naghanda nang umalis si
Elsa, ngunit
pagbukas niya ng kanilang pintuan ay nakita niya ang nakaipit na isang munting
papel na nakatiklop. Sulat
pala ito mula kay Rosie na humihingi ng paumanhin dahil wala daw pala syang oras na
magpaihi
ng alagang aso ng kapitbahay dahil marami siyang trabaho. Inis na naghintay ng alas
nuwebe si
Elsa para mailabas ang aso, kaya alas diyes na rin siya nakaalis ng bahay. Sana daw
ay hindi na lang
siya pinaasa ni Rosie dahil pwede naman sanang ang kanyang amo na lang ang nagdala
sa labas ng
aso kung walang ibang mapagbilinan.Si Elsa ay tubong Ilocos, 30 taong gulang, may
isang anak,
at naninilbihan sa pamilyang Briton sa Central. --
Grace Gonzaga
Sumpungin
Sa mahigit isang taon na pagtatrabaho ni Elsa sa kanyang among intsik sa
Kowloon
City, kabisado na niya ang ugali ng kanyang among babae na medyo mahirap
pakisamahan. Wala
siyang naging problema sa among lalaki at maging sa anak na binatilyo. Tuwing umaga
ay nakikiramdam
si Elsa kung ano ang magiging
mood
ng kanyang among babae. Minsan
ay ang kanyang alaga
na mismo ang nagbibigay babala kay Elsa kapag mainit ang ulo ng ina nito. Kapag
ganito na ang
eksena sa bahay nila, agad na bubulong ang alaga niya nang,
Elsa, I smell
trouble, be careful!
Dahil
dito ay ingat na ingat na siya sa kanyang mga kilos dahil tiyak na siya na naman
ang pagbubuntunan.
Pero kahit anong ingat ang gawin niya, kapag ang asawa nito ang nagkamali o di kaya
ay ang anak, si
Elsa pa rin ang nakikita palagi. Isang araw, habang naglilinis siya ng kusina ay
bigla na lang sumigaw
ang kanyang among babae at sinabing hindi naman daw dapat linisin araw araw ang
kusina dahil
marami pang ibang dapat gawin. Para hindi sila magtalo ay itinigil ni Elsa ang
paglilinis ng kusina
at pumasok sa kanyang kuwarto para kunin ang isang papel na may listahan ng dapat
niyang gawin
sa araw araw. Mula nang mag umpisa siyang magtrabaho sa pamilyang ito ay ang
listahan na ito na
ang sinusunod niya. Ang tawag nga nila ng kanyang alaga sa listahan ay
bible
dahil mismong
ang binatilyo ay tutol sa pinaggagawa ng ina. Hawak ang
bible
,
lumapit si Elsa sa nagpupuputak
na amo at iniabot ang papel na pina-laminate pa niya para huwag masira.
Madam, here's the
bible, please read. If you want to change, please write a new one.
Hindi
alam ni Elsa kung
imahinasyon lang niya ang nakita ngunit, sa tingin niya ay nagpigil ang amo na
huwag matawa! Kinuha naman
ng amo ang listahan at binasa, sabay tanong ng
you really follow this
everyday?
Sagot naman ni
Elsa,
yes Madam, because you said do what you tell me, so you will not be
upset.
Tumalikod ang amo
at pumasok sa kanyang kuwarto. Inaasahan ni Elsa na magagalit ito at baka iyon na
ang huli
niyang araw sa trabaho. Matapos ang isang oras ay lumabas ang amo, bitbit ang isang
papel, kinabahan
si Elsa dahil ang akala niya ay termination letter na ang iaabot sa kanya. Nang
basahin niya ang
papel, ang nakasulat ay,
Only one rule in the bible: Be happy, do your job
well.
Kahit hindi ngumiti
ang among masungit, alam ni Elsa na nakuha na nito ang kiliti ng amo. Natuwa din
ang kanyang alaga
at sinabing pagpasensiyahan na niya ang ina nito.
Jo Campos
Bagong recipe
Araw-araw, alas tres pa lang ng hapon ay abala na si Rita sa paghahanda ng
hapunan.
Kung minsan kasi ay ginagahol siya sa oras lalo na kapag biglang umuuwi nang maaga
ang
kanyang among lalaki. Lalo kasing natataranta si Rita kapag ganito dahil bukod sa
pagkukumahog
niyang maisalang na ang sabaw na ilang oras kung pakuluan, panay din ang hingi ng
kung ano-ano ng
amo. Pagpasok pa lang ng pinto, utos agad si Sir na ipagtimpla ito ng kape.
Nakasimangot na iniwan
muna ni Rita ang tinitimplahang pork chop para sa hapunan at ipinagtimpla ng kape
ang amo.
Pagkatapos ay balik ulti si Rita sa pagtitimpla ng marinade sa pork chop. Dahil
mag-aalas singko na, paspasan
na ang paghuhugas niya ng mga gulay at paghihiwa ng mga sangkap. Kailangan pa kasi
niyang
sunduin ang alaga sa bus stop ng alas singko. Bumaba na muna si Rita para sunduin
ang alaga at
pagdating nila ay inumpisahan na niyang ibabad ang pork chop sa hinanda niyang
panimpla. Bandang
alas- siyete naman ay darating na ang among babae, kayat walang tigil sa kaiikot sa
kusina si
Rita. Matapos i-steam ang isda at gulay, nagprito na si Rita ng tinimpla niyang
pork chop. Nagtaka
siya dahil mabilis itong pumula at tila madaling masunog at mangitim gayung wala
namang toyo
sa timpla nito. Nang ihain na niya ang niluto ay sinabi ng kanyang amo matapos
itong tikman na
hindi daw nito alam na ang pork chop daw ay puwedeng gawing dessert! Nagtaka at
bahagyang
nainsulto si Rita sa sinabi ng amo dahil akala niya ay pinipintasan ang luto niya.
Kumuha ng isang
pirasong pork chop ang amo niya at nakangiting inabot kay Rita at sinabing tikman
niya. Nang isubo ni
Rita ang ulam at nalasahan ito, natawa rin siya dahil saksakan nga naman ng tamis
ang timpla nito.
Doon niya naalala na asukal pala ang nailagay niya sa halip na asin dahil nataranta
siya nang
magpatimpla ng kape ang among lalaki sa kanya. Nagsorry naman si Rita at hindi
naman nagalit ang amo
dahil akala din nito ay sadyang matamis talaga ang timpla ng bagong recipe niya. Si
Rita ay isang
dalaga, taga Negros at nagtatrabaho sa Tsuen Mun.
Jo Campos
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |