Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
|
Stay-out ang Pangasinenseng si Claire,44, sa kanyang mga among German at Australyana.
Sari-saring kababayan ang nakakausap niya sa kanyang pag-uwi at pagpasok sa trabaho. Napapansin
niya na tuwing may malaking balita, animo kakilala ng mga nagbibida ang taong sangkot sa
pangyayari. Tulad ito noong napabalitang may nagpakamatay na dalagita sa Repulse Bay. Ayon sa
nakausap
niya sa bus, ang biktima daw ay anak ng Pilipinang nakipag-asawa sa dating amo. Nang lumabas sa
The SUN ang totoong balita ay hindi na muling pinansin ni Claire ang mapagmagaling, kahit
madalas niya itong makasabay sa bus. Naging mapanuri na rin siya nang may nakatabing
nagkukwento tungkol sa Pinay drayber na namatay sa Pok Fu Lam. Nakita na niya sa Facebook ang
balita
ngunit hinayaan lang ang kausap. Amy daw ang pangalan ng biktima na "best friend ng
pamangkin
ko". Duda na siya rito lalo't parang kasing-edad lang ng nagkukwento ang "Aying"
na
nadisgrasya. Nagpatuloy pa rin ang nagku-kwento, at inilabas pa ang smartphone upang ipakita
kay Claire
ang video ng aksidenteng nasa Facebook din. Sa video, ang puting sasakyan lang ang nakikita
na minamaneho daw ng biktima. Dito inilabas na rin ni Claire ang larawan ng kotseng itim na
tinumbok ng malaking trak. Gusto niyang matiyak kung saan nga ba nakalulan ang mag-amo ngunit
tila nagulat naman ang babae sa nakita. Nang sumagot ito ay sinabing patay din daw ang amo at
may
49 pang sugatan. Hindi na lang ito pinansin ni Claire, na alam na buhay ang amo, at ilan lang
ang nasugatan. Tinapos niya ang usapan sa pagtawag sa telepono. -
Ramon Dizon Jr.
Sakit sa mata
Tinurukan si Bong, 45 taong gulang, sa kanyang kamay ng likidong kulaw dilaw
nang magpakonsulta siya sa Queen Mary Hospital. Dadaloy ang likido papunta sa maliliit na ugat
sa
likod ng kanyang mga mata upang mas madaling obserbahan ang mga ito gamit ang espesyal na
kamera, paliwanag ng doktor. Unang napansin ng Ilokano ang panlalabo ng kanyang paningin noong
Abril 18. Agad siyang pinapunta ng amo sa pagamutan nang ipagtapat niya dito ang kanyang
kalagayan noong Abril 23. Ayon sa resulta ng angiogram, may namuong tubig sa loob ng kanyang
kanang
mata kaya ito lumabo. Walang paliwanag ang espesyalista sa sanhi ngunit karaniwang gumagaling
daw naman ang nasabing kundisyon sa loob ng dalawa o tatlong buwan. Pero sinabihan din siya
na mawala man ang tubig ay hindi na babalik sa normal ang kanyang paningin. Pagkatapos ng
isang linggong pahinga ay bumalik siya sa trabahong malala pa rin ang karamdaman, pero parang
hindi pansin ng amo na nakikita pa rin ang mga alikabok sa sasakyan na hindi niya nalinis nang
husto. Nakatakdang bumalik sa ospital si Bong noong Mayo 28 ngunit ipinagpaliban ito ng amo.
Abala
daw sila at lubos na kailangan ang kanyang serbisyo. Sa paglipas ng mga araw ay unti-unti
namang bumuti ang kanyang paningin bagamat hindi pa rin ito tuluyang gumaling. Sa susunod na
pagpunta pa lamang niya sa ospital malalaman kung tuluyan nang nawala ang tubig o hanggang
ganoon
na lang ang ibubuti ng kanyang paningin. - Ramon Dizon Jr.
Dismaya
Napuno ng pag-aalala si Amy nang makatanggap siya ng text kamakailan mula sa
kanyang kapatid na nasa Pilipinas. Ayon dito, nangangamba ang anak ni Amy na baka hindi ito
makapag
aral sa darating na pasukan dahil hindi pumunta ang ama nito sa paaralan upang maipatala ang
bata.
Agad tinawagan ni Amy ang anak at sinabing huwag mag-alala dahil pakikiusapan na lang niya ang
tiyahin nito na pumunta sa eskwela para ito ang mag-ayos sa problema. Agad namang nagpunta ang
pinsan ni Amy sa paaralan kung saan nalaman nito na hindi maibibigay ng guro ang card ng bata
dahil umabot na diumano sa Php695 ang multa dahil sa hindi pagdalo ng ama sa buwanang
pulong
sa paaralan. Maliit lang na halaga iyon kung tutuusin, pero ang ikinaiinis ni Amy ay parang
walang pakialam ang kanyang asawa sa kanilang mga anak. Naiyak si Amy sa sobrang sama ng loob
dahil iyon na lang sana ang maaring itulong ng asawa na walang trabaho at umaasa na lang sa
kanyang padala kada buwan. Agad niyang kinausap ang asawa at pinagsabihan na sana
naman ay
gampanan nito ang pagiging ama sa mga bata lalo na pagdating sa kanilang pag-aaral, at hindi
yung puro
bisyo na lang ang inaatupag nito. Hindi tuloy maiwasan ni Amy na magsisi kung bakit naging
pabigla-bigla ang pagdedesisyon niya noon sa pag-aasawa. Si Amy ay tatlong taon na
sa Hong Kong, may
tatlong anak at naninilbihan sa pamilyang Intsik sa Ap Lei Chau.
Grace Gonzaga
Lakas-loob
Pitong taon nang naninilbihan si Elsie sa kanyang mga amo, pero sa loob ng panahong ito
ay isang beses pa lang siya pumunta sa doktor upang magpagamot. Ganoon na lang ang pag-aalala
niya nang sabihin na kaya lumalabo ang kanyang paningin ay may mga ugat na maliliit na
kumakalat,
at unti-unting tinatakpan ang itim na parte ng kanyang mata. Idinaing niya ito sa isang
kaibigan
na nagpayo na sabihin sa kanyang amo na gusto niyang ipasuri sa espeyalista ang kanyang mga
mata. Laging ang sagot ni Elsie dito ay saka na lang dahil nag-aalala siya na baka magreklamo
ang
mga amo sa laki ng dapat bayaran para dito. Pero sa bandang huli ay hindi na rin siya nakatiis,
at inabangan ang paggising ng amo isang umaga upang magpaalam na gusto niyang kumunsulta
sa doktor. Pagkabigkas pa lang niya sa salitang doktor ay agad na sumagot ang amo ng
"oo", sabay
abot ng pera. Sinabihan din siya na kung kukulangin ay magsabi siya agad. Tinanggihan niya
noong
una ang alok na pera dahil nahihiya siya, pero mapilit ang amo. Nakangiti siyang nagpasalamat
nang tanggapin ang pera. Dali-dali niyang tinapos ang mga trabaho para makapunta sa doktor. Si
Elsie
ay dalaga at tubong Ilocos. Grace Gonzaga
Naisahan
Maraming pagkakaibigan ang nasisira dahil sa utang, at si Neneng ang isang patunay
nito. Naging kaibigan niya si Delia, na bagamat hindi pa niya kakilala nang matagal ay
itinuring
niyang isang nakatatandang kapatid. Nagkakilala ang dalawa dahil madalas magkasabay sa
pagpapastol
ng aso sa kanilang lugar sa New Territories. Isang araw ay lumapit si Delia kay Neneng at
nagsabing may mahigpit siyang pangangailangan at gipit na gipit sa pera. Nasa ospital umano ang
asawa
ni Delia at malaki ang dapat bayaran. Hindi natiis ni Neneng ang bagong kaibigan at agad na
pinahiram ng $5,000. Tiwala siyang hindi naman siya lolokohin ni Delia na nangakong magbabayad
agad. Sinabi rin ni Delia na sa edad niyang mahigit 50 ay hindi niya magagawang sirain ang
kanyang reputasyon nang dahil lamang sa pera. Pero ilang buwan pagkatapos siyang pautangin ay
hindi pa
rin nagbabayad si Delia. Puro pangako lang ang lagi nitong ibinibigay kay Neneng, at kung
minsan
ay may drama pa na sa tinagal-tagal niya sa Hong Kong ay ni minsan ay hindi niya nagawang
tumakbo sa utang. Nagbigay naman ng palugit si Neneng sa pag-asang magbabayad ang kaibigan.
Pero
isang araw ay nabalitaan na lang niya na hindi na doon nakatira ang amo ni Delia at ni isa ay
walang makapagsabi ng tiyak kung saan lumipat ang mga ito. May nagsabi pa na malamang na umuwi
na
si Delia sa Pilipinas. Ang mas masaklap ay walang kakilala si Neneng sa mga kaibigan ni Delia,
at
ni hindi niya alam kung saan ito nakatira sa Pilipinas. Wala din siyang kasulatan na
magpapatunay
na nangutang nga ito sa kanya. Pakiramdam ni Neneng ay talagang sinadya ni Delia ang
panggagantso sa kanya kaya ganoon na lang ang kanyang
galit.Jo Campos
Basang-basa
Linggo, at tulad nang dati ay dagsa ang mga Pinay sa Central dahil araw ng kanilang
pahinga. Kabilang sa mga ito si Lenie na taga Aberdeen at regular na tumatambay sa Tamar Park.
Pagdating
sa kanilang tambayan ay sabay-sabay silang magkakabarkada na naglatag ng mga banig sa damuhan
sa ilalim ng isang punong kahoy. Ganito silang lagi tuwing Linggo. Ginugugol nila ang maghapon
sa pagkukwentuhan sa parke imbes na gumala dahil baka maengganyo pa silang gumastos. Doon na
rin sila kumakain ng mga baon nilang pagkain. Pagkatapos mananghalian ay humiga si Lenie sa
banig
at napaidlip dahil presko at malakas ang hangin mula sa dagat nang mga oras na iyon. Pero
hindi nagtagal ay nagulantang silang lahat nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay
ng hangin. Nagpulasan ang lahat at sa pagmamadali ni Lenie, hindi niya malaman kuung ano
ang kanyang uunahing iligpit. Nasira at nagkalagas-lagas ang kanyang payong dahil sa lakas ng
hangin
at ulan kaya't agad niyang binalot sa isang plastic bag ang kanyang cellphone at tablet. Sa
kanyang pagtakbo papunta sa isang masisilungan ay biglang nadulas si Lenie sa damuhan. Lalo
siyang nabasa, at naputikan pa dahil gumulong siya sa damuhan. Sa halip na tulungan siya ng mga
nakakita ay may mga nagtawanan pa sa nangyari sa kanya. Hiya at inis ang kanyang naramdaman
dahil puting-puti pa naman ang suot niyang pantalon at pang-itaas. Napilitan siyang umuwi ng di
oras
at panibagong kahihiyan na naman ang inabot niya pagsakay sa bus dahil tumutulo at panay putik
ang kanyang suot. Pagdating sa bahay ay nagulat ang kanyang amo sa itsura niya, pero nakuha
pang magtanong nang pabiro kung sumali daw ba siya sa mud wrestling. Natawa na lang si
Lenie. Pagkatapos maligo ay gusto pa sana niyang lumabas ulit pero dahil malakas pa rin ang
ulan
ay nagpahinga na lang siya sa kanyang kuwarto. Hindi naman siya nakaiwas nang hilingin ng mga
amo na bantayan ang kanyang alaga dahil sila ay lalabas. Pero dahil may ekstrang bayad ay
masaya na
rin siya. Mas maigi na rin iyon kaysa mabasa siyang muli sa ulan at mapahiya sa kanyang
hitsura.
Jo Campos
Bawal maupo
Labindalawang taon nang naninilbihan si Biena sa kanyang among old maid na Chinese
pero hindi pa niya naranasang maupo sa sofa sa sala dahil ipinagbabawal ng matandang amo. May
sentimental value daw sa kanya ang sofa at ayaw niyang masira agad dahil nauupuan ng
madalas. Nagtitiis na lang si Biena sa pag-upo sa isang maliit na upuan para hindi mapagalitan.
Ang amo
niya ay 90 taong gulang na at makwenta. Kapag nakapagbigay ito ng pabor ay agad isinusumbat
kapag nakagawa si Biena ng bagay na di niya nagugustuhan. Hindi naman maiwan-iwan ni Biena ang
amo dahil naaawa siya dito. Bukod dito ay ilang oras lang naman ang pagsisilbing ginagawa niya
para
sa matanda dahil ayaw nito na laging may kasama sa loob ng bahay. Pabor ito kay Biena
dahil nakakapagtrabaho siya sa ibang bagay. Gayunpaman, nag-aalala pa rin siya kung minsan na
baka isang araw ay madatnan na lamang niya itong wala ng buhay dahil sa katandaan. Minsan ay
naalarma ang mga security guard dahil sinubukan dalawin ng isang mabait na kapitbahay ang
matanda
ngunit hindi nagising kahit ilang beses tumunog ang doorbell. Sa pag-aalala ng nasabing
kapitbahay
ay ipinaalam ang nangyayari sa mga security guards kaya't pilit na binuksan ang pintuan ng
matanda. Noong nakapasok na sila ay saka siya nagising at taking-takang nagtanong kung bakit
may ibang
tao sa loob ng kanyang bahay. Ipinaliwanag nila ang nangyari at naintindihan naman niya ito.
Mula
noon ay may hawak ng susi ang pinagkakatiwalaang security guard para manmanan siya araw araw,
at siguraduhing humihinga pa siya. Ayon kay Biena wala man lamang daw kamag-anak na dumadalaw
sa amo, at marahil ito ay dahil sobrang kuripot ng matanda. Si Biena ay 55, walang asawa
at naninilbihan sa Yuen Long. Marites Palma
Sindakan
Pinakwenta ni Guada ang bayad para sa long service niya, matapos ang anim na
taong paninilbihan sa among Amerikano na nakatakdang bumalik sa kanyang bansa mga susunod
na buwan. Umabot sa $76,000 ang ibinigay na kwenta sa kanya sa Konsulado, na base sa
huling buwanang sahod niya na $11,000. Malaki ang pinapasahod sa kanya dahil mabigat ang
kanyang trabaho. Ang bahay ng amo ay umaabot sa walong palapag, at may alaga siyang apat na
bata
at dalawang aso. Magmula nang matapos ang kontrata ng kasamahan niya ay siya na lang mag-isa
ang naglilinis ng malaking bahay, nag-aalaga sa mga bata at aso, nagluluto at nagmamaneho na
rin.
Hindi pumayag ang amo sa kwentang ibinigay ng Konsulado dahil sa tantiya nito ay $56,000 lang
daw
ang dapat niyang bayaran. Hindi din pumayag si Guada dito, at tumangging pirmahan ang patibay
na natanggap niya na lahat ang kaukulang bayad mula sa amo. Para matapos ang gulo ay inalok
ni Guada na ibaba sa $66,000 ang bayad sa kanya pero hindi pumayag ang amo at sinabi pang,
"Ok,
we will just see in court". Sinagot naman ito ni Guada ng "Ok, I will report this
matter to the
Labor Department, so you and me can't leave Hong Kong". Nang marinig ng amo ang salitang
"labor"
ay agad na nagsabing ibibigay na lang ang hiling niyang $66,000 para wala ng problema.
Napangiti nang lihim si Guada at naisip na labor lang pala ang katapat ng amo niya. Si Guada ay
39
taong gulang na dalaga at tubong Cebu. Nanilbihan siya sa mga among taga Stanley ng anim na
taon.
Dahil sa malaking perang natanggap niya mula sa mga amo ay nagpasya si Guada na bumalik sa
Pilipinas at magpahinga muna. Marites Palma
For good
Pabalik-balik sa Pilipinas at Hong Kong ang mag-asawang Filipino at Dutch na amo ni
Angie. May negosyo ang mga ito sa bayan ng kanyang among lalaki sa Pangasinan kaya madalas na
nasa Pilipinas sila. Tuwing umuuwi sa Pilipinas ang mga amo ay isinasama din si Angie.
Kamakailan, nasa Pilipinas sila nang biglang binawian ng buhay ang kanyang among lalaki. Doon
na rin
ito inilibing kaya natagalan bago sila nakabalik ng HK. Sa dami ng mga nangyari ay nawala
sa isip
ni Angie na kasabay ng pagpanaw ng kanyang amo ay nawalan na din ng saysay ang kanyang
kontrata. Saka lang niya ito natuklasan nang dumaan sa airport immigration pagbalik nila.
Muntik na
siyang hindi papasukin dito sa HK pero nakiusap ang kanyang among babae. Binigyan siya ng
isang buwang visa para asikasuhin ang paglipat ng kanyang kontrata sa pangalan ng among babae.
Ngunit hindi na pumirma ng panibagong kontrata si Angie dahil sasama na siya sa kanyang among
babae
na mag-for good. Sa Pilipinas na daw kasi ito tuluyang maninirahan para maasikaso ang
negosyo. Inalok nito si Angie na ipagpatuloy ang paninilbihan sa pamilya at katumbas ng sahod
niya sa
HK ang tatanggapin niya doon. Si Angie, 42, ay 24 na taon na sa pamilya kaya hindi na rin
siya nagpatumpik-tumpik na tanggapin ang
alok.---Gina N. Ordona
Ginayuma
Hindi lubos maisip ni Clara kung anong klaseng gayuma ang ginawa ni Perla sa amo
nito. Dating amo ni Clara ang kasalukuyang amo ni Perla. Kahit matagal nang lumipat ng amo si
Clara
ay patuloy pa rin ang pakikipag-uganyan niya sa dating mo. Nitong nakaraang buwan ay kinausap
ng dating amo si Clara na pansamantalang maglinis sa bahay nito sa Mid-levels habang nasa
bakasyon si Perla. Sa kanilang pagkukuwentuhan ay nabanggit ng amo na ilang beses na nitong
natuklasang nagnakaw si Perla. Noong una daw ay kinuha nito ang perang nakalagay sa sobre sa
sofa.
Nang tanungin daw nito si Perla ay umamin naman dahil may matinding karamdaman ang tatay
nito. Nakiusap itong unti-unting ikaltas sa sahod ang kinuhang pera at pumayag ang amo. Nitong
huli
ay isang mamahaling kuwintas naman ng amo ang isinanla ni Perla. Gaya noong una ay
matinding pangangailangan ang idinahilan ni Perla at muli na namang naniwala ang amo. Sa kabila
ng lahat
ay hindi pa rin magawang i-terminate ng amo si Perla. Mahusay daw kasi itong magtrabaho at
hindi sumasagot ng pabalang. Sina Clara at Perla ay parehong
Ilocano. --Gina N. Ordona
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |