Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
|
Kita na ang buong kaluluwa, wika nga, ng isang barkong napadpad sa pampang ng isang
parke sa Quarry Bay. Lantad ang tiyan o ang ibabang bahagi ng barko na karaniwang lubog sa
tubig
dahil sa kanyang kinalalagyan ngayon. At dahil sa lupa na ay madaling akyatin ito nang libre.
Ito ang Fireboat Alexander Grantham, ang pinakamalaki sa kanyang hanay na ginamit ng
Hong Kong Fire Services Department.
Ang limang daang toneladang (500-tonne) bangka ay animo
barko sa sukat na 38.9 metrong haba at 8.8 metrong lapad sa taas na labinlimang metro. Hango
ang pangalan sa dating gobernador ng Hong Kong noong 1947-1957 na si Sir Alexander Grantham.
Ang higanteng bangka na dating ginagamit na panlaban ng sunog sa mga sasakyang pandagat
sa Victoria Harbour at maging sa mga gusaling malalapit sa pampang ay nagretiro na kaya dito
inilagay. Sa halos 50 taon ng fire-fighting at rescue operations, kabilang na sa maraming
natulungan
ng Fireboat AG ang mga barkong Seawise University, Eastern Gate at New Orient Princess
nang magkasunog sa mga ito.
Gawa ng Whampoa Dock Co. Ltd. na tumigil ng operasyon noong 1953 ay
na-"decommission" din ang fireboat noon namang Mayo 2002 matapos ang kabuuang 49
taong serbisyo.
Ang pagkakabuo ng bangka ay tanda ng kakayahan ng Hong Kong na gumawa ng sariling
likha kaya itinuturing itong malaking tagumpay. Upang mapahalagaan ang bahaging ito ng
kasaysayan
ay inilagay ang fireboat sa kasalukuyan nitong kinalalagyan. Mas magastos at delikado kasi kung
sa dagat ito ilalagak.
Sa masusing pagsisiyasat ng magandang lugar ay itinalaga ang fireboat sa Quarry Bay
Park. Maliban sa prominente ang lokasyon ay ito rin ang nakitang pinakamainam na paglipatan ng
bangka mula sa Tsing Yi dahil walang masyadong aberya.
Hinila ang dating pangunahing fireboat ng siyudad papunta sa kanyang permanenteng
tahanan noong Marso 10, 2006. Ang pagbubuhat sa dambuhalang sasakyan upang iahon ay kauna-
unahan
sa Asya. Ito rin ang kauna-unahang "relic boat" at pinakamalaki sa mga koleksiyon ng
Hong
Kong Museum of History.
Binuksan ang lugar sa publiko bilang Fireboat Alexander Grantham Exhibition Gallery
noong 2007.
Nakapalamuti sa loob ng bakuran sa tabi ng fireboat ang iba't-ibang larawan at kagamitan
sa pag-aapula ng apoy. May mga telebisyon ding naglalahad ng kasaysayan nito. Ang bangka
siyempre ang pinakasentro ng pasyalan sa lugar na nagsisilbi na ring museo. Libre ang pagpasok
at matutunghayan sa loob nito ang orihinal na disenyo ng mga silid at kagamitan ng fireboat.
Pati
ang dating lutuan at mga lumang kaldero at takuri ay makikita pa rin dito.
Bukas ang pasyalan nang 10am-6pm araw-araw puwera Martes. Pero kung natama ang
isang piyesta opisal sa araw na ito ay mananatili itong bukas.
Pinakamadaling marating ang lugar sa pamamagitan ng MTR. Bumaba sa Tai Koo Shing
at dumaan sa Exit E. Diretso sa City Plaza ang lagusang ito kaya naka-aircon sa paglalakad.
Ipagtanong sa information counter ang papuntang Quarry Bay Park upang mapadali ang paghahanap.
Paglabas ng gusali ay baybayin ang footbridge patungong tabing-dagat. Pagtawid ng tulay
ay tatambad na ang makisig na pagkakatindig ng higanteng bangkang kulay-apoy.
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |