Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
|
Bagong salta si Jay sa Discovery Bay kaya't ika nga ay nangangapa pa siya sa mga lugar at
tao sa nasabing lugar. Masaya siya dahil naglipana ang mga kapwa Pinay na nagtatrabaho doon,
bagamat alam niya na maninibago siya sa bagong tirahan dahil malayo ito sa kabihasnan ng Central
na madalas niyang puntahan. Bukod dito ay napakamahal ng pamasahe paluwas sa isla. Ngunit
ang kanyang mga agam-agam ay bahagyang napawi dahil sa isang karanasan niya kamakailan.
Habang naglalakad siya patungo sa bago nilang bahay at may nakasabay siyang isang expat na nanay
kasama ang dalawa nitong anak na bumaba sa shuttle bus. Tumakbo nang mabilis ang batang lalaki at
nasagi ang isang nakasalubong na Pinay na may inilalakad na alagang aso. Parang hindi pansin ng bata
ang nagawa dahil nagpatuloy ito sa pagtakbo. Pero nakita ito ng ina, at agad na tinawag ang
kanyang anak at pinagsabihang humingi ng paumanhin sa Pinay na nabangga ng bata. " You must apologize
to Auntie because you almost knocked her down!", sabi ng ina, na hindi pinansin ng bata na tila
may katigasan ng ulo. Mukhang naawa ang Pinay dahil pinagalitan ang bata kaya't sinabi nitong
wala namang problema dahil di naman sinasadya ang nangyari sa kanya. Ang sagot naman ng nanay
ng bata ay " He should learn how to treat their aunties properly and respect them." Namangha
ang nagmamasid na si Jay dahil doon niya nakita kung gaano kaganda ang pakikitungo ng mga amo
at mga anak nito sa mga kasambahay doon sa lugar. Pagkatapos ay napag-alaman ni Jay sa
isang babasahin doon na ang buwan ng Mayo ay tinatawag nilang "domestic workers appreciation
month" na dinaraos taon-taon sa Discovery Bay . Napangiti si Jay at naisip na sana sa lahat ng mga lugar
dito sa Hong Kong ay mayroon sanang ganitong pagkilala at pagkalinga sa mga kasambahay
na nagbibigay ng malaking ambag sa komunidad sa pamamagitan kanilang serbisyo.
Jo Campos
Makati
Araw-gabi na iniinda ni Aida ang kanyang pangangati. Kung ano-anong gamot na ang
kanyang sinubukan at di na rin mabilang kung ilang beses siyang kumonsulta sa doktor para dito pero wala
pa ring nagbabago. Nagbitak-bitak na ang balat sa kanyang mga daliri at nagsusugat na rin ang mga
ito pero ayaw pa rin siyang iwanan ng kati. Mabuti na lang at hindi siya pinandidirian ng kanyang
amo dahil alam naman nito na ang sakit na ito ay hindi nakakahawa. Tila isang uri umano ito ng
allergy na marahil ay nakuha ni Aida sa mga matapang na kemikal ng mga sabon at panlinis na
ginagamit niya. Ang payo naman ng kanyang mga kaibigan ay iwasan niya ang mga malalansang pagkain
at baka makatulong. Ngunit may katigasan ang ulo ni Aida dahil panay pa rin ang kain niya ng hipon
at kung anu-ano pang malalansang pagkain. Kahit naiinis na ang mga kaibigan nito sa katigasan
ng kanyang ulo ay dinadaan na lang nila sa biro ang lahat. Sinabihan siya ng isa na paano na lang
daw kung magka-nobyo siya. Tiyak na mate-turn off daw ito sa gaspang ng kanyang mga kamay,
at mawalan siya ng walang love life! Natawa naman si Aida at sinabing ganito nga ang nangyari
sa isang naligaw sa kanya. Nang makita umano ng manliligaw ang kanyang mga kamay ay tila hindi
na ito naging interesado sa kanya. Biro na lang din ang gamit ni Aida para matiis ang kakaibang
sakit. Umaasa na lang siya na lilipas din ang sakit, tutal, malayo naman daw ito sa bituka.
-Jo Campos
Isa lang
Unang kontrata pa lang ngunit ramdam ng bagong saltang si Tess ang hirap sa kanyang
trabaho. Mag-asawang Intsik at binatilyong anak ang pinagsisilbihan niya sa isang flat sa Yuen Long.
Lumipat daw ang pamilya mula sa tatlong palapag na bahay nang maaksidente ang anak dahil nalagay na
ito sa wheelchair. Naiwang nakatira ang ilan pang kamag-anak sa malaking bahay na kanya
ding nililinisan kasama ang dalawa pang kotse. Akala din daw niya noon sa interview ay mananatili
ang binatilyo sa isang pagamutan. Taliwas dito, regular pala itong pumapasok sa paaralan. Matindi
ang pinsalang tinamo ng alaga kaya kailangan niya itong buhatin at alalayan sa lahat ng gawain
kapag wala sa wheelchair. Sa kabila nito, nagagawa pa daw ng among babaeng hanapan siya ng
trabaho. Kaya ilang beses na ring naghamon si Tess ng hiwalayan ngunit napapakiusapan naman siya
ng lalaki tuwina. Ganumpaman, batid na raw siguro nilang hindi na siya pipirma pa dahil bumili na
sila ng automatic wheelchair. Si Tess ay hiwalay na sa asawa ngunit nananatiling malapit sa biyenan
na nagtatrabaho din sa Hong Kong. - Ramon Dizon Jr.
Hinagpis
Pauwi na si Jane galing day-off nang marinig niyang nagsalita ng Ilokano sa telepono
ang katapat niya sa upuan ng bus. Tinanong niya ito kung taga-saan na sinagot naman ng "Ilocos dati
ang mister ko". "Ngayon iba na ang mister mo?" pagbibiro ni Jane at nauwi na sa masalimuot
na talambuhay ang kwentuhan. Madamdaming nag-kwento ang misis kung paano niya natiklo
sa facebook ang pagtataksil ng asawa sa Pilipinas. Umamin naman daw ang mister na isang taon
na noong Marso ang relasyon nito sa tiyahin ng babae. "Iyon ang masakit dahil asawa ng
mismong tiyuhin ko, lagi kaming magkakasama tuwing umuuwi ako, iyon pala.." hinaing ng
babae. Nagdemanda raw ang tiyuhin ngunit todo tanggi naman ang tiyahin. Walang daw nangyari sa
kaso dahil sa kakulangan ng ebidensiya. Ayon sa kausap, tinanggap nito muli ang mister alang-alang
din sa mga anak na 15 at 3 taong gulang, pero tuluyan na daw nawala ang kanyang pagmamahal
sa asawa. Nagkahiwalay ang dalawa nang bumaba si Jane sa Tin Hau. Sa North Point naman
daw umuuwi ang kausap. - Ramon Dizon Jr.
Mukhang Bumbay
Malapit nang matapos ang kontrata ni Camille sa kanyang dating amo nguni't sinabihan na
siya na hindi na ire-renew ito. Agad-agad siyang nagsadya sa opisina ng employment agency
upang kausapin ang may-ari tungkol sa paghahanap ng bagong amo. Pagdating niya sa agency ay
agad siyang nakipagkaibigan kay Malou, na nagpapahanap din ng bagong amo. Makalipas ang isang
oras ng kanilang pagkukwentuhan ay may pumasok na lalaki sa opisina, at umupo sa tabi ni
Malou. Inakala ni Camille na Indian ang lalaki, at wala sa isip na bumulalas ng, "Sigurado akong
mabaho iyang Bumbay na katabi mo." Hindi naman umimik si Malou. Hindi pa nakontento si Camille
at sinabi ang, "Amuyin mo nga para malaman mo kung talagang mabaho." Lumingon na ang
lalaki. "Pilipino po ako at huwag kayong bastos," sabi nito. Agad nagpaumanhin si Camille at
sinabing akala niya ay hindi naiintindihan ng lalaki ang kanyang sinasabi. "Hindi ibig sabihin na kung
hindi ka naiintindihan ay babastusin mo na ang ibang tao," pagalit na sabi sa kanya ng lalaki.
Pinaintindi nito sa kanya na hindi dapat maging bastos sa kapwa tao, anuman ang lahi nito. Hiyang hiya
si Camille lalong lalo na nang malaman niyang ka-meeting pala ng may-ari ng agency ang
lalaking kanyang hindi sinasadyang nabastos. William Elvin
Diskarte
Isang malaking sorpresa kay Ana ang naging pagkikita nila ni Fe noong Linggo, May 10,
sa tagpuan nilang mga magkakaibigan. Dating magkaklase sa high school ang dalawa at
parehong natutuwa na muling nagkasama dito sa Hong Kong. Linggo pa lang ay nakaplano na
ang magkaibigan kung ano ang lulutuin para sa susunod na day-off. Ngunit noong Huwebes bago
ang Linggong iyon ay nagsabi si Fe na hindi muna siya lalabas. Wala daw siyang pera dahil ipinadala
sa isang anak ang dapat sanay panggastos niya sa day-off. Hiwalay na sa asawa si Fe kaya buhos
ang atensiyon sa kanyang mga anak. Nalaman ng kanyang manugang sa panganay ang problema ni
Fe kaya gumawa ito ng paraan. Magkapit-bahay lang ang magbiyenan sa Yuen Long. Nilikom nila
ang mga lumang diyaryo sa kanilang gusali at sa mga kapit-bahay at ibinenta, kaya bago mag-Linggo
ay nakaipon sila ng sapat na halaga upang may panggastos sa day-off nila. Ang magkakabarkada
ay pawang mga taga-Pangasinan. - Ramon Dizon Jr.
Asar
Gustong mag-aral ng basic computer ang kaibigan ni Norma para daw makatulong
sa paghahanap niya ng trabaho kapag naisipan nang umuwi "for good".Iminungkahi ni Norma
na pumunta ito sa tanggapan ng OWWA sa araw ng kanyang pahinga para magpalista, pero hiniling
ng kausap na siya na lang ang magpalista para dito dahil papunta daw ito sa birthday ng isang
kaibigan sa beach at maaga ang usapan nilang pagkikita. Sinabi ni Norma na kailangang ito mismo
ang pumunta para masagot agad ang mga katanungan kung sakali. Sinabi din niya na kung talagang
gusto nitong matuto ay kailangan maglaan ng oras at unahin ang mas importanteng bagay. Pero
parang walang narinig ang kaibigan dahil ang sunod nitong sinabi ay kung puwede daw na alas-5 ng
hapon hanggang alas-10 ng gabi ang iskedyul ng klase para tapos na ang mga lakad niya. Malumanay
pa ring ipinaliwanag ni Norma na wala nang magtuturo sa kanya ng mga oras na yun sa OWWA
pero maari nitong subukan magtanong sa YMCA. Balik sagot naman ng kaibigan ay ayaw nito sa
YMCA dahil wala itong pambayad sa matrikula. Kinatapusan ay sinabi ng kaibigan na pupunta na lang
daw ito sa OWWA ng alas-7:30 ng umaga sa araw ng Lunes habang tulog pa ang kanyang amo
para magpalista. Pinigilan na lang ni Norma ang sarili na magsalita kahit alam niyang hindi pa bukas
ang opisina nang mga oras na yun. Base kasi sa pangangatwiran ng kaibigan ay hindi naman
ito intresadong mag-aral kaya ayaw na rin niyang magsayang ng laway sa pagpapaliwanag. Si
Norma, taga-Yuen Long, ay walong taon na dito sa Hong
Kong.---Gina N. Ordona
Bawal maglaba
Bagong salta dito sa Hong Kong si Emma pero ramdam na niya ang hirap ng buhay ng
isang kasambahay. Nag-umpisa siyang manilbihan sa among Intsik dalawang buwan ang nakakaraan,
at anim ang pinagsisilbihan. Kabilang ang isang matandang maysakit kaya medaling araw na kung
siya ay makapagpahinga. Trabaho niya ang lahat sa loob ng bahay, magmula sa pamamalengke
araw-araw, pagluluto, at pag-aalaga ng matanda at batang anak ng kanyang amo. Patang pata ang
kanyang katawan sa tuwing siya'y hihiga na sa kanyang kama. Madalas siyang napapagod sa pagod, at
hindi minsang sumagi sa isip ang umuwi na lang, pero iniisip din niya ang hirap na kanyang uuwian
kung sakali. Isang construction worker ang kanyang asawa, at hindi nila kayang mapag-aral mula dito
ang kanilang tatlong anak. Tinitibayan na lamang ang loob niya, at iniisip na ang lahat ng hirap niya
ay para sa kanyang mahal na pamilya. Ang isa pang lagi niyang pinoproblema ay ayaw siyang
labhan ang sariling damit habang hindi niya natatapos ang sa pamilyang pinagsisilbihan. Ngunit sa dami
ng nilalabhan niya para sa kanila ay wala na siyang panahon para sa sariling damit. Ang ginagawa
na lang niya ay dinadala ang maruruming damit sa boarding house ng kanyang kamag-anakan para
doon labhan at patuyuin. Dahil dito ay lagi siyang may bitbit na bag na may lamang damit kapag day
off niya. Akala ng mga nakakita sa kanya ay nagdadala siya ng mga gamit para iimbak sa door to
door pero ang hindi nila alam ay labada niya iyon tuwing lingo. Inihahanda niya ang sarili na magtiis
sa susunod na 22 buwan bago maghanap ng bagong amo. Ipinapanalangin na lamang niya
na makakayanan pa niya ang lahat ng pagsubok para mabigyang katuparan ang mga pangarap niya
para sa pinakamamahal na pamilya. Si Emma ay 30 taong gulang , may asawa, tatlo ang anak,
at kasalukuyang naninilbihan sa Tokwawan. Marites Palma
Nagkasya
Maraming mga gamit ang ibinigay kay Edna nang lumipat ng bahay ang kanyang mga
amo noong nakaraang buwan. Mas maliit daw kasi ang bahay kaya limitado ang espasyo. Nakaipon
siya ng tatlong malalaking striped bag at pansamantalang inimbak sa bodega ng isang door to
door company na malapit sa kanilang tirahan sa South Horizon. Nang mag-impake siya ay kinuha
niya ang pinakamalaking box kahit nanghihinayang sa ibabayad. Kahit buong husay niyang
naisalansan ang mga gamit ay marami pa ring natira. Ayaw niyang gumastos ng malaki sa pagpapadala lalo na
at panay luma naman ang laman pero nanghihinayang naman siyang itapon ang mga ito. Naiiyak
na siya dahil hindi alam ang gagawin at panay naman ang tawa ng kaibigan niyang tumulong sa
pag-iimpake. Matagal silang tumunganga sa harap ng bukas na kahon bago siya nakapag-desisyon
na kumuha ng pinakamaliit na kahon. Pero bago niya ito nagawa ay nilapitan sila ng isa sa mga
tauhan sa bodega at sinabing ilagay na lahat ang mga natirang gamit at tutulungan silang isara ito.
Alam niyang may dagdag na bayad kung"buntis"ang kahon pero sinunod na rin nila ang sinabi ng
lalaki. Gaya ng inaasahan, mukhang buntis nga ang kahon sa siksik nang maisara ito. Ngunit
halos mapalundag siya sa tuwa nang sabihin ng cashier na $40 lang ang dagdag na bayad.
Laking pasasalamat din niya sa tumulong sa kanilang nagsara ng kahon. Si Edna, dalaga, ay taga-Isabela
at pitong taon na dito sa Hong
Kong.---Gina N.. Ordona
Bored sa trabaho
Dalawang linggo pa lang si Chona sa bagong trabaho pero pakiramdam niya ay hindi
siya masaya. Bored daw siya dahil wala siyang masyadong ginagawa kundi ang mag-alaga ng
isang sanggol. Dati-rati ay pinapasaya niyang pilit ang sarili sa trabaho dahil may pinapaaral siyang
mga anak. Ngunit ngayong napagtapos na niya silang lahat ay parang wala na siyang ganang
magtrabaho. Isa pa, kababalik lang nya mula sa isang buwang pagbabakasyon, at laking tuwa niya nang
bigyan siya ng perang pampagawa ng bahay ng isang anak na nagtatrabaho bilang skilled worker sa
ibang bansa. Masyado rin daw siyang naaliw sa unang apo kaya ngayon parang tinatamad na
siyang magtrabaho pa. Kasalukuyan niyang tinitimbang ang sarili at pinag-iisipan kung uuwi na siya
para doon magnegosyo at nang makasama ang apo. Ibang-iba ito sa pakiramdam niya nang
nagtrabaho siya sa Hong Kong sa unang pagkakataon. Nagkahiwalay silang mag-asawa 25 taon na
ang nakakaraan at binalikat niyang mag-isa ang pagtataguyod sa tatlong anak. Wala siyang inisip noon
na ibang pagkakagastusan kundi ang pag-aaral at pagpapakain sa mga anak. Ngayon na nakapagtapos
na sila ay nag-iisip na siya kung masaya pa siya sa ginagawa, o sundin na ang pakiusap ng mga anak
na umuwi na siya para sila ay magkasama-sama. Si Chona ay 47 taong gulang, tubong North
Cotabato at naninilbihan sa Tokwawan. -Marites Palma
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |