Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
Mid-March 2015
|
Features Gallery
|
|
|
Dalawang malalaking kaso ng pang-aabuso sa mga kasambahay sa Hong Kong,
ang pagpapahirap kay Erwiana Sulistyaningsih at ang pagputol sa daliri ni Anis Andriyani,
ang nagkaroon kamakailan ng magkaibang kinahinatnan sa hukuman.
Nangibabaw ang galak ng mga migranteng manggagawa at iba-ibang bahagi ng
lipunang sumuporta kay Erwiana nang mapatunayan noong Pebrero 10 na nagkasala ang kanyang amo sa
18 kaso, pero ito ay biglang napalitan ng panlulumo nang taliwas sa inaasahan ang inihatol ng hukom
sa kaso ni Anis.
Naragdagan pa ang negatibong pananaw ng marami nang patawan ng korte ang dating
among nagpahirap kay Erwiana, si Law Wan-tung, ng anim na taon sa piitan, hindi pitong taon na
siyang pinakamabigat na parusang maigagawad ng District Court.
Sa paningin ng marami, kabilang na kami, lalong natisod ang hustisya sa naging hatol
ng hukuman noong Pebrero 12 sa ikalawang kaso: ang pagpapawalang-sala kay Ngan Suk-wai, ang
amo ni Anis.
Noong umpisa pa lang ng pagdinig sa kaso ay nagkaroon na kami ng agam-agam nang
isagawa sa salitang Cantonese ang pagdinig, taliwas sa inaasahan ng mga dayuhang sumubaybay sa kaso
nina Erwiana at Anis, na parehong Indonesian.
Naitanong namin noon: Bakit pinili ng hukuman na isagawa sa Cantonese ang
paglilitis? Posible kayang balak lutuin ang kaso ni Ngan matapos pagbigyan ang mga naghahangad ng
parusa para kay Law? Nais kayang alisin ang kaso ni Ngan sa paningin ng madla pagkatapos ng malawak
na pagbabalita ng mga dayuhang media sa kaso ni Law?
Maaaring tama ang hinagap namin, subalit maari din namang tama ang naging hatol ng
korte kay Ngan dahil hindi lubos na napatunayan ng prosekusyon na siya ang may kagagawan
sa panunugat kay Andriyani.
Nagkaroon din ng pagdududa ang hukom sa ebidensiya ni Andriyani.
Kung sa kaso laban kay Law ay nagtagumpay si Erwiana, iyon ay dahil nakita ni Judge
Amanda Woodcock na malinaw na may kasaysayan ng pagmamaltrato at pananakit sa mga katulong
ang maybahay na Intsik.
Malinaw ding naipakita ng mga ikinilos ni Law kanyang pagmamalupit sa katulong mula
nang unang saktan niya ito noong Hulyo 2013 hanggang sa mga huling sandaling magkasama sila
nang muling takutin niya si Erwiana sa airport at binantaang ipapapatay ang mga magulang nito
kapag isisumbong siya kaninuman ang sinapit niya.
Matimbang din ang mga ebidensiyang ibinigay ng panig ni Erwiana laban sa nasasakdal,
kung kaya't anuman ang husay ni Graham Harris na baluktutin ang mga paratang at pahayag ng
katulong ay hindi ito nagtagumpay na iligtas si Law. At sa buong paglilitis ay nahalata na iyon ni Judge
Woodcock.
Naging tila labanan nina David at Goliath tuloy ang paglilitis dahil sa gilas ni Harris
sa pagbaluktot sa mga paratang ni Erwiana at sa tapang naman ng katulong na igiiit na siya
ang biktima, at hindi ang nasasakdal.
Isa sa pinakamagaling na abogado sa Hong Kong si Harris, at nakakatuwang nakakainis
ang kanyang husay sa pamimilipit ng mga ebidensiya ibinibigay ni Erwiana. Taliwas siya sa
mahinang paghawak ng prosekusyon sa kaso. Naging masuwerte ang dalagang Indonesian dahil pabor sa
kanya ang mga baraha at ang lumitis sa kaso ay si Woodcock.
Sa kabilang dako, pumabor kay Ngan ang katotohanang walang ibang nakasaksi sa ibintang
sa kanyang pananakit kay Anis. Dahil sa kawalan ng iba pang taong may katulad na paratang laban
sa among Intsik, at dahil din sa kawalan ng mga mahalagang ebidensiya tulad ng DNA sa lugar
na pinangyarihan ng ibinbintang na krimen, tanging ang kredibilidad ni Anis ang naging batayan
ni Judge Gary Lam sa kanyang hatol.
Isang mahusay na abogadong Intsik ang nagtanggol kay Ngan, si Adonis Cheung,
at makumbinsi ang kanyang pahayag na imposibleng isang daliri lamang ni Anis ang nasugatan
kung nilagari ni Ngan ng kutsilyo ang daliri ng kautlong.
Sa dakong huli, nagpasiya ni Lam na pawalang-sala ni Ngan dahil umano sa maraming butas
sa ebidensiya ni Anis laban sa kanyang amo. Inamin ng huwes na nagdadalawang-isip siyang
hatulang maysala si Ngan dahil umano "maraming misteryo na naghahanap ng kasagutan" sa kasong iyon.
Nagsara ang kaso na walang nakakaalam sa tunay na nangyari kundi ang katulong, at
posibleng pati ang kanyang amo. Matinding kalungkutan at kabiguan naman sa naging hatol ang nadama
ng mga militanteng Indonesian at Pilipino na tumulong kay Anis
Dahil sa kasalukuyang patakaran sa Hong Kong na ang mga katulong ay kailangang tumira
sa bahay ng kanilang mga amo, laging nalalagay sa panganib ang mga kasambahay at walang
ibang sasaksi para sa kanila kapag sila ay dumulog sa korte.
Para magkaroon ng tunay na hustisya sa ganitong mga kaso, nararapat lang na palitan
ang patakarang ito.
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |