Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
Mid-January 2015
|
Features Gallery
|
|
|
Naitanong namin ito dahil sa pakiusap ni Konsul Heneral Bernardita Catalla na
paalalahanan ang mga kababayan natin na panatilihin nila ang kalinisan, lalo na kapag sila ay nagtitipun-tipon
sa mga liwasan at pasyalan dito sa Hong Kong.
"Ang mga Pilipino, sa totoo lang, ang kalat nila. I want a campaign para ang mga
Pilipino maging very conscious of maintaining cleanliness. Kasi isa yan sa ikinaiirita ng mga
taga-Hong Kong, ang tingin sa atin basura tayo kasi nagbabasura tayo eh" ani ConGen Catalla.
"Kapag tumayo ang isang grupo diyan, ang dami mo nang makikitang bote, diyaryo,...
and people now generalize: `Ang mga Pilipino na ito, ang kalat'" aniya.
Minsan daw, umakyat sa Peak si ConGen kasama ang isang kaibigang bumisita mula
sa Maynila. Nabigla umano ang kaibigan nang mapansin ang isang karatula na may nakasaad na
ganito: "Para sa mga Pilipina, bawal magkalat, dumura ...."
Ang masama nito ay tinutukoy ng nasabing paunawa ang mga "Pilipina", na ang ibig sabihin
ay nilahat na ng mga gumawa ng babala ang mga Pilipino, na ang lahi natin ay mapagkalat ng basura.
Hindi namin sana matatanggap ang iniisip ng ibang tao na lahi ng mga burara o mapagkalat
ng basura ang lahing Pilipino, ngunit tila ang ganyang pananaw nila ay nasusuportahan ng
mga napansin namin: saan mang lugar dito sa Hong Kong na tinatambayan ng mga kababayan natin
ay nagiging makalat pag-alis nila roon.
Mapapansin ang mga kalat na ito sa mga sidewalk sa Central, sa mga walkway sa paligid
ng World-Wide House, Statue Square, Post Office, Central Market at iba pa kapag nagsisiuwi na
sa dapit-hapon ang mga nagsama-samang ng Pinay.
Ang pagiging makalat din ng mga Pilipinong nagpupunta tuwing Linggo sa isang
lumang bahay-komersiyo sa North Point ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng iringan ang mga Pinoy
at mga guwardiya sa gusaling iyon.
Minsan ay pumasyal kami sa lugar na iyon upang magmasid at kausapin ang ilang
negosyante roon ukol sa pambabastos diumano ng isang guwardiya at pagtawag ng "lap sap" (basura) sa
mga Pilipino na nag-uumpukan doon.
Nagulat kami dahil hindi tulad sa ibang mga pribadong bilihan at mall sa Hong Kong ang
nakita namin. Doon ay nakakalat ang mga kahon ng door-to-door, at ang lugar ay naging tambayan ng
mga pangkat na nagka karaoke nang labis-labis ang ingay.
Dahil kaya sa nakasanayan nating makalat at maingay na paligid sa Pilipinas na nadala natin
sa ibang lupalop ang pagkakahirating iyon sa dumi, basura, at ingay? Dahil kaya sa
nakagisnang kahirapan ng Pinoy kaya tayo nasanay sa magulo, kalat-kalat, marumi at maingay na kapaligiran?
Madaling sabihing kahirapan nga ang ugat ng pagiging mapagkalat ng mga Pilipino.
Ngunit, ayon sa mga social psychologist, napakasimple at kadalasa'y mali ang ganyang pananaw at ang
ugat ay higit pa sa kahirapan.
Natuklasan ng mga social psychologist sa Kanluran na lalong natutuksong magkalat ang
mga tao kapag nakikita nilang makalat ang paligid nila. Kapag marumi ang isang lugar at may bakas
ng bandalismo, nakikita ng mga tao na normal at katanggap-tanggap sa lipunan ang pagkakakalat
ng basura. Ang mga pook na nakikitang madalas ay walang basura ay nananatiling walang basura.
Samakatwid, hindi likas at hindi lang ang mga Pilipino ang makalat. Maging sa mayayaman
o mahihirap ba bansa ay may nagkakalat dahil nakasanayan na sa lugar na iyon, may nagkakalat
dahil hindi ipinatutupad nang mahigpit ang batas laban sa ganoong gawain. At may nagkakalat
bilang pagtutol sa mga umiiral na patakaran.
Dito sa Hong Kong at sa iba pang bahagi ng Asya na nakaririwasa ay malinis ang paligid
dahil sa mahigpit na batas nila laban sa pagkakakalat, at dahil sa kaya nilang magpasahod ng
maraming tao para magwalis at mamulot ng basura sa kanilang mga liwasan, pasyalan at mga lansangan.
Ang pakiusap lang namin sa ating mga kababayan ay iwasan sana nilang magkalat ng
basura, lalo na sa hindi nila sariling bayan.
Dahil kasi sa pagsasawalang-bahala nila sa babala ng mga kinauukulan ay naiisip ng mga
ibang lahi na tayong mga Pilipino ay basura.
Mas mainam na makita nila ang mga Pilipino na gumagawa ng mabuti dahil iisipin
nilang marangal na lahi tayo.
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |