Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
Mid-December 2014
|
Features Gallery
|
|
|
Naiyak sa maintinding galit ang Pilipina domestic worker na si
Rowena Uychiat nang
iniurong ng Labour Department noong Nob. 21 ang tatlong sakdal na di-
pagbibigay ng "statutory holiday"
na isinampa niya laban sa kanyang among Intsik.
Lalo pa siyang napoot nang tumanggap siya ng isang liham mula sa
pulisya ng Hong Kong
na nagsasabing natapos na ang kanilang imbestigasyon sa kanyang sumbong na
pananakit laban
sa dating amo na si Anna Yiu Hoi-yim, at nagdesisyon silang huwag munang
magsampa ng kaso.
Dahil dito ay iniurong ng abogado ng Labour Department ang asunto sa
hukuman sa Kowloon
City alinsunod diumano sa atas ng Justice Department.
Kung ano ang dahilan ng pag-urong sa kaso, hindi pa malaman ni
Rowena o ng Mission
for Migrant Workers na siyang nagbibigay ng suporta sa kanyang paghingi ng
hustisya.
Hinihintay pa rin ng Mission ang paliwanag na ipinangako ng
abogado ng Labour kay
Edwina Antonio, ang executive director ng Bethune House Migrant Women's
Refuge na nasa korte sa
araw ng naudlot na pagdinig sa kaso laban kay Yiu.
Dahil sa wikang Intsik ginanap ang pagdinig, tinanong ni Antonio
sa abogado kung ano
ang dahilan ng pagkakaatras ng demanda, at ang sagot umano ng abogado ay
ipapaliwanag na lamang
ito sa kanya sa pamamagitan ng sulat.
Sa ilalim ng batas, ang desisyon ng pulis na hindi magsampa ng
kaso batay sa isang reklamo
ay maipapaliwanag lamang kung kulang o may kahinaan ang mga ebidensiyang
iniharap ng
mga nagreklamo.
Halimbawa, sa sumbong ni Rowena na hindi pagbibigay sa kanya
ng "statutory holiday"
ang "burden of proof" ay nasa sa kanya, at hindi sa kanyang amo. Ngunit paano
niya mapapatunayan
sa hukuman na hindi nga siya pinayagan umalis ng bahay ng amo sa loob ng
siyam na buwang
nagsilbi siya rito?
Ayon nga kay Antonio, sa kalagayan ng isang kasambahay na nag-
iisa sa tahanan ng
kanyang isinasakdal, paano siya kukuha ng titestigo para kanya? Natural,
malabong magmula ito sa
mga kapamilya ng kanyang ididemanda. Papayag ba namang tumestigo ang
asawa, anak o magulang
ng amo laban sa nasasakdal? Kung gayon, sinong iba pang tao sa bahay na
nakasaksi sa nangyari
ang handang tumestigo sa hukuman?
Sa nangyayari ay walang kalaban-laban ang isang katulong sa
ilalim ng
kasalukuyang sistemang legal ng Hong Kong dahil siya ang kailangang
magharap ng sapat na ebidensya laban
sa may sala, kahit pa siya ang biktima, ani Antonio.
Dahil sa ganitong kalakaran ay hindi malayong danasin din ng iba
pang mga katulong
ang kawalan ng hustisya na dinanas kamakailan ni Rowena. Wala silang paraan
para kumbinsihin
ang mga imbestigador at pati na ang korte na totoo ang kanilang isinusumbong,
kaya malaki
ang posibilidad na matalo ang kanilang kaso.
Iyan ang dahilan kung bakit bago magsampa ang demanda ang
isang kasambahay kapag siya
ay inabuso, kailangang nakahanda ang matibay na katibayan na naganap ang
pang-aabuso.
Halimbawa, kapag sinaktan siya ng kanyang amo ay sikapin niyang
magpatingin kaagad
sa duktor at humingi ng medical report at magsumbong sa pulisya. Ugaliin din
niyang isulat sa
isang diary o isang notebook ang lahat ng nangyari sa bawat maghapon niya.
Kung may problema siya sa kanyang amo, kung kinakailangang
iparating niya ito
sa kinauukulan, sa Konsulado, o sa Labour Department, halimbawa, ay
ipaalam niya kaagad.
At kung may panganib o banta na saktan siya ng sinuman sa
sambahayan ay tumakas na siya
at humingi ng tulong sa pulis.
Samantala, pinag-aaralan ngayon ng Mission at ni Rowena kung
paano nila mapapalakas
ang ebidensiya laban kay Yiu habang hinihintay nila ang paliwanag ng Labour
ukol sa dahilan ng
pag-uurong sa kaso.
Kung anuman ang dahilang iyon ay isang palaisipan pa rin kina
Rowena at Antonio
hanggang sa sandaling sinusulat ito, ngunit ayon sa kanila ay hindi pa tapos
ang laban dahil ang
iniurong lamang ay ang tatlong kaso sa di pagbibigay ng statutory holiday.
At dahil iniwang bukas ng mga pulis ang pinto para sa karagdagang
ebidensiya
upang suportahan ang sumbong ni Rowena na pananakit, malaki pa ang
posibilidad na mabuksang muli
ang pagsisiyasat.
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |