Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
November 2014
|
Community News
|
|
|
A new campaign to get Filipino community organizations donate to the Bethune House
Migrant Women's Refuge was announced on Oct 28 at the De La Salle Alumni Association Hong
Kong's fund-raising event at Orange Peel bar in Central.
Bethune House executive director Edwina Antonio called on organizations to join the
new Coins for Bethune campaign by making their own collection can or box, and sealing it with
stickers provided by the shelter.
The campaign is slated to run until early next year.
Antonio also thanked DLSAA-HK and its officers led by Cathy Yang for consistently
providing much-needed help to the shelter for distressed migrant workers.
The latest assistance came in the form of five computers sourced by the alumni group
from finance consultancy firm EC Harris and donated to Bethune House. DLSAA also provides
monthly financial help to long-term Bethune client Rowena Uychiat.
Another beneficiary of the alumni group's latest fund-raiser was the La Salle Adult Night
High School.
Providing entertainment at the DLSAA event were singer/composer/actor William Elvin,
and local rap group, Likalento. - DCLM
Lider ng KMU, tampok sa anibersaryo ng FMU
Ni Gina N. Ordona
Ang mga suliranin ng mga manggagawa sa Pilipinas ang naging tampok ng pananalita ni
Elmer Labog, pinuno ng Kilusang Mayo Uno, sa ginawang pagdiriwang ng Filipino Migrants
Union (FMU) ng kanilang ika-16 taong anibersaryo noong Okt. 26.
Ginanap ang pagtitipon sa gusali ng Boys and Girls Clubs Association sa Wanchai.
Ayon kay Labog, maraming problema ang mga manggagawa sa Pilipinas. tulad ng malawak
na bilang ng walang trabaho, malaking bilang ng walang sapat na trabaho, malaganap na sistema
ng kontraktualisasyon sa lahat na sektor ng paggawa, mababang pasahod, di-pagkilala ng karapatan
na mag-organisa, at kawalan ng seguridad sa trabaho. Hinahatak daw pababa ng mga suliraning ito
ang pangkalahatang lakas ng mga manggagawa sa bansa.
Hinikayat niya ang grupo na pag-ibayuhin ang pag-organisa at pakilusin ang mga
manggagawa sampu ng kanilang mga pamilya.
Binatikos ni Labog ang "two-tiered wage system" na nais isulong ng gobyerno, kung saan
ang sistema ng pasahod ay nakabatay sa pinakamababang pasweldo. May kampanya daw ang mga
unyon ngayon na itaas sa Php16,000 bawat buwan ang pinakamababang sahod.
"Kalaunan mga kasama, ang ating pag-uunyon ay hindi lang dapat mabaon sa
pakikipaglaban para sa pag-ekonomiyang kagalingan, bagkus dapat itong tumungo sa panlipunang pagbabago,"
sabi ni Labog.
Maliban kay Labog, nagbigay din ng pakikiisang mensahe ang ilang lider ng mga kaanib
na grupo kabilang na ang kinatawan ng mga mangagawang Thai at Indonesian.
Samantala, nagpamalas ng kakaibang galing sa sayaw ang mga kasapi ng FMU. Tatlong
grupo ang sumali sa inter-chapter na patimpalak na sayaw ng katutubo o folk dance competition.
Tinanghal na kampeon ang FMWU Chater Road Chapter na nagpamalas ng sayaw na
Polkabal. Iginawad din sa grupo ang sorpresang premyo na tropeo para sa best in costume. Ang
pangalawang puwesto ay nakamit ng FMWU Bus 13 chapter, at ang Admiralty chapter pumangatlong puwesto.
ROAD-HK at UPTO, nagsanib sa selebrasyon
Ni Cris B. Cayat
Isang espesyal na pagdiriwang ang magkatuwang na itinatag ng Radiant Organization of
Amiable Drivers HK o ROAD HK at ng United Philippine Taekwondo Organization o UPTO noong
Okt. 19 sa Repulse Bay.
Ipinagdiwang ng ROAD ang kanilang ika-dalawang taong anibersaryo, samantalang
nagsaya naman ang UPTO dahil sa pagkapanalo nila sa isang malaking patimpalak sa taekwondo na
ginanap sa Hong Kong kamakailan.
Marami sa kani-kanilang mga miyembro ang kasanib din sa kabilang grupo, katulad ni
Mercy Permales na presidente ng UPTO, at bise-presidente naman ng ROAD.
Si Weena Advincula ang presidente ng ROAD, ang pangunahing grupo ng mga
kababaihang driver sa Hong Kong ngayon.
Ang sabi ni Advincula, ang araw na iyon ay nakatakdang para lang magsaya sila, maglaro
ng iba't ibang laro.
"Kailangan nating tumawa, magpawis habang nagsasaya kasama ang buong grupo," sabi niya.
Nagbigay-pugay din si Advincula sa mga bisita mula sa The SUN, na siyang naging
katuwang ng kanyang grupo sa isang matagumpay na seminar tungkol sa pagmamaneho kamakailan.
Dahil sa pakikipagtulungan ng The SUN, mas dumami ang kanilang mga miyembro, at
marami ang tumatawag sa kanila para magtanong tungkol sa pagmamaneho.
Ang sabi naman ng editor ng The SUN na si Daisy CL Mandap, importante na matuto ng
mga bagong kaalaman o skills ang mga manggagawang Pilipino habang nasa ibang lugar.
Ang pagmamaneho , halimbawa, ay malaking tulong saan man mapunta ang isang tao, at maari din
itong maging daan upang kumita ng mas malaki ang isang manggagawa.
Ayon naman sa publisher na si Leo Deocadiz, laging handing tumulong ang pahayagan
para palaganapin ang adbokasiya ng ROAD para sa kapwa manggagawang Pilipino sa Hong Kong.
Kabilang din sa mga panauhin si Gil Capumpu, senior adviser ng STAR HK; at ang isa
sa pinuno ng China Hong Kong National Taekwondo Alliance na si Tze Hong Lai, kasama ang
kanyang maybahay.
Sabi nina Advincula at Permales, parang magkapatid na organisasyon ang ROAD at
UPTO kaya sabay silang nagdiwang.
Maghapong nagdaos ng iba-ibang paligsahan ang mga miyembo ng dalawang grupo.
Mga migrante sa HK nanawagan ng hustisya para kay Laude
Ni Gina N. Ordona
Mariing nagpahayag ng pakikiisa ang Filguys at mga kasanib nilang grupo dito sa Hong
Kong sa panawagan ng hustisya para kay Jennifer Laude, isang transgender na pinatay diumano ng
isang sundalong Amerikano sa Olongapo City kamakailan.
Naganap ang protesta sa Statue Square sa Central noong ika-19 ng Oktubre.
Naging tagapagsalita si Brenda Alegre, isang transgender na nagsabing ang
nangyaring pagpaslang kay Laude ay isang uri ng "hate crime". Sinabi niya na marami nang krimen laban
sa mga transgender ang hindi pinapansin ng gobyerno.
Pero dagdag niya, "It is really difficult to live a transgender life anywhere, not just in the
Philippines."
Ikinuwento niya ang hirap na pinagdadaanan ng mga transgender sa Pilipinas, lalong-lalo na
sa pakikisalamuha sa komunidad, mula sa eskuwelahan hanggang sa paghahanap ng trabaho at
maging sa loob mismo ng kanilang pinagtatrabahuhan.
Sana daw ay maunawaan at maintindihan ng lahat na katulad ng kahit na sinong tao ay
may karapatan din sila.
"Tanggapin at intindihin na lang natin na may karapatan kaming kilalanin ang aming
pagkatao," sabi ni Alegre.
Masakit daw sa damdamin ang nababasa niya sa social media na pangungutya laban kay
Laude. Imbes na husgahan ang mga katulad ni Laude, sana daw ay intindihin ang hirap na
pinagdaraanan nila. Hinamon ni Alegre ang mga mambabatas na kung papatayin din lang naman sila ay
mas mabuting isabatas na lang ito.
Hustisya din ang panawagan ng Gabriela HK sa pangunguna ni Rowena dela Cruz. Sinisisi
niya ang umiiral na visiting forces agreement o VFA at enhanced defence cooperation agreement o
EDCA sa nangyaring karahasan.
Sa ilalim daw kasi ng mga nasabing kasunduan, nakasaad na kung ang mga
sundalong Amerikano ay makagawa ng krimen sa loob ng bansa katulad ng nangyari kay Laude, ay hindi
sila obligadong sumuko sa pamahalaan ng Pilipinas kundi sa kanilang gobyerno.
"Hindi makakamit ang hustisya kung ganyan ang iiral," sabi ni Dela Cruz.
Para naman kay Norman Carnay ng Bayan HK, ang krimen na nangyari kay Laude ay
resulta ng kultura ng kawalan ng takot na managot o cuture of impunity na namamayani sa bansa.
Sinabi ni Carnay na tuwing nandiyan ang mga tropang Americano ay kasabay lagi
ang karahasan sa mga kababaihan, bata at sa hanay ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender).
Sa kasaysayan daw ng Pilipinas, marami na ang pinatay ng mga tropang Americano
magmula pa noong FilAm war pero walang isa man na nanagot.
Kasabay ng panawagan ng hustisya para kay Laude, nananawagan din ang grupo na ibasura
ang VFA at EDCA.
Capiznun Ako mamimigay ng pamasko sa Cuartero
Naglunsad ng proyekto ang Capiznun Ako Hong Kong na mangalap ng donasyon
upang ipamigay sa mga bata sa isang liblib ng sitio sa Cuartero, Capiz.
Ayon sa pangulo ng Capiznun Ako HK na si Elena Lazona Loro, ang pamimigay ng
pamasko ay gagawin sa Dec. 26 sa Sitio Balingasag, Cuartero. "Napili namin ang lugar dahil sila ang
mas nangangailangan ng tulong," dagdag ni Loro.
Kaugnay nito, maghihintay ang mga kasapi ng Capiznun Ako HK sa kanilang tambayan sa
Pier 3 sa Central sa Nov. 2, upang tumanggap ng mga donasyong gamit na damit, laruan, aklat at
mga gamit sa eskuwelahan.
Ang petsa ay itinakda upang makarating sa oras ang padala sa pamamagitan ng
door-to-door. May mga kasapi ring magpupunta sa Balingasag upang sila mismo ang mamigay ng tulong.
Tumatanggap din ang grupo ng tulong pinansiyal hanggang Dec. 21.
Para sa karagdagang kaalaman, tumawag kina: Elena Lazona Loro, 6700 5540; Nena
Fructoso Bacalango, 9853 5514; Remie Casaria Araquil, 9175 0488; Lindy Paclibar, 5593 0728; at
Helen Pestano Carbellido, 5593 8395. --LD
UPAA-HK fund-raiser
Members of the University of the Philippines Alumni Association-Hong Kong board ham it
up during the group's 10th anniversary last Oct. 16 at Spicy Fingers in Wanchai. Proceeds from
the fund-raising event, which also featured noted Filipino musical artists, will go to the
UPAA-HK scholarship and calamity funds.
Party for a cause
Representatives of Bethune House Migrant Women's Refuge, led by Edwina Antonio
(with mic), express gratitude to the De La Salle Alumni Association HK Chapter led by President
Cathy Yang (left) during the Green Archers' fund-raiser for Bethune House at Orange Peel in Lan
Kwai Fong on Oct. 28. Recently, DLSAA-HK turned over five laptops for the use of Bethune's
wards. Another five computers went to the adult night high school of their alma mater in Greenhillss.
The computers were donated by EC Harris HK Ltd.
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |