Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
Mid-October 2014
|
Features Gallery
|
|
|
Naging usapin ang pagsali ng mga Pilipino at iba
pang mga dayuhan sa patuloy na
Occupy Central rally nang hilingin ng China sa mga
konsulado ng iba-ibang bansa sa Hong Kong
na pagbawalan ang kanilang mga mamamayang naririto sa
pagsali sa protesta.
Maging si Consul General Bernardita Catalla ay
nag-atas sa mga Pilipino rito sa Hong Kong
na huwag sumali sa nasabing protesta at umiwas sa mga pook
ng dinaragsa ng mga kasama sa
kilusan upang hindi sila madamay kung sakaling kumilos ang
mga maykapangyarihan at magkagulo.
Tila walang nakinig sa sinabi ni Congen at marami
pa ring Pilipinong nagtatrabaho o
residente ng Hong Kong ang sumulpot sa mga pinagdarausan
ng mga rally upang makikiisa sa mga
taga-Hong Kong, kung hindi man para mag-usyoso lamang.
Palibhasa'y sanay sa protesta ang ating mga
kababayan dito dahil nakagisnan nila ang
di-mabilang na mga martsa at rally laban sa diktadura ni
Marcos at sa mga bulok na
pamunuang sumunod sa napabagsak na pangulo.
Kung ihahambing ang Occupy Central rally at ang
mga nakaraang protesta sa Pilipinas
ay mapapahiya ang mga aktibistang lokal sa tapang ng mga
aktibistang Pinoy. Ngipin sa ngipin,
dahas sa dahas, madugo at ilang ulit nang may nababaril at
napapatay ang mga pulis sa mga
nagpuprotesta pangkaraniwan iyan sa mga rally sa Pilipinas.
Sa pangkalahatan ay mapayapa ang Occupy Central
rally. Sa dalawang pagkakataon
lang nagkagulo noong madaling-araw ng Setyembre 28 nang
gumamit ang mga pulis ng teargas
at pepper spray upang paalisin ang mga demonstrador sa
paligid ng Government House, at
nang guluhin ng mga maton at mga taumbayan ang protesta sa
Mong Kong noong Oktubre 4.
Ang maayos na protesta ay nagbigay ng "party
atmosphere" na lalong nag-udyok sa mga
tao, taga-Hong Kong man o dayuhan, na sumama sa rally.
Hindi nila inalitanang labag sa batas
ang kanilang pag-okupa sa mga kalye at pagpigil sa daloy ng
mga tao at sasakyan. Naroon sila
kasama ng libu-libong tao sa kalye upang makibahagi sa
paggawa ng kasaysayan ng Hong Kong.
Kunsabagay, ang panawagan ng pamunuan ng
Occupy Central ay "civil disobedience" o
di-pagsunod sa umiiral na batas. Pinaninindigan ng kilusan na
isang mapayapang sandata ang
hakbang na ito upang puwersahin ang Beijing at ang mga
tagapagpatupad ng patakaran nito sa Hong
Kong na panatilihin ang demokrasya sa lungsod na ito sa
pamamagitan ng malayang pagpili ng lider
na ihahalal ng mga tao.
Sa aming pansariling pananaw ay may panganib
para sa lahat ang pagsama sa nasabing
protesta kung mawawalan ng pasensiya ang pamunuan ng
Hong Kong o susuko sa kagustuhan ng Beijing
at supilin ang protesta sa higit na marahas na paraan kaysa sa
nasaksihan natin noong
ikalawang madaling-araw ng protesta sa Admiralty.
Isipin na lamang natin na ang dahas ay gagantihan
ng dahas. Kung maninindigan ang
mga nagpuprotesta sa kabila ng marahas na tugon ng
gobyerno ay matututo silang ipagtanggol ang
sarili sa anumang paraan, at hindi maiiwasang dumanak ang
dugo.
Sa ganitong eksena ay saan lulugar ang mga
dayuhang tulad nating mga Pilipino?
Manganganib din tayong makulong o mapaalis bilang mga
taong walang utang na loob dahil sinuway natin
ang batas ng lugar na ito. Nasa bawat isa sa atin ang
pagpapasiya.
Bilang mga taong nasa tamang edad at tamang pag-
iisip ay alam natin kung ano ang
ating ginagawa at dapat gawin, at nauunawaan natin kung
bakit tayo'y nasa gitna ng pag-aalsa ng
mga mamamayan ng Hong Kong.
Anuman ang ating lahi ay may isang hiblang nag-
uugnay sa atin ang hangaring
maging malaya ang lipunang ating kinikilusan at malaya ring
makapamili ng mamumuno sa atin. Iyan
ay dahil ang pag-asam ng kalayaan ay likas sa bawat nilalang.
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |