Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
Mid-September 2014
|
Chinese Horoscope
|
|
|
KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
May mga pangyayaring magaganap na magpapabago sa iyong pananaw sa buhay. Oras na
rin upang sumubok at makipagsapalaran. Magiging maswerte ka at makikinabang ng husto ng
walang gaanong pagod. Pero, mag-ingat na malasing sa tagumpay na makakamit, at iwasang masanay
sa buhay na pa-easy easy. Mag-ingat din na mapagod ng husto dahil manghihina ng husto ang
katawan. Lucky numbers: 7,9,15 at 30.
TUPA Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Kung naaantala ng husto ang negosasyon, makipag kompromiso ka na upang matapos ito
ng maayos. Hindi maiiwasan ang nerbiyos at pagod kung lagi kang naghahabol sa oras, kailangan
mo rin ng pahinga at mag-relax. May mga ugali at bagay kang ginagawa na ikinaiirita ng iyong
mga kasamahan, at magugulat ka na lang dahil hindi mo ito namamalayan. Lucky numbers: 16,21,35
at 41.
UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
May pagbabagong magaganap na magdudulot sa iyo ng saya at dagdag-kita; talasan ang mata
at pakiramdam upang hindi ito makaalpas. Makakatulong sa nararanasang insomnia ang chamomile
tea bago matulog. Magiging matagumpay ka kung makakasabay ka sa modernong pamamaraan
dahil importante ito patungo sa hinaharap. Lucky numbers: 11,22,36 at 44.
44.
TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
May namumuong tensyon sa tahanan, lalo na sa pagsasama ninyong mag-asawa, dahil
ayaw mong tanggapin ang kamalian mo. Nanganganib na masira ang tahanan kung hahayaaan
mong makialam sa buhay pamilya ninyo ang iyong nanay o ibang kamag-anak. Protektahan mo ang
iyong pamilya at tahanan habang maaga. Lucky numbers: 19,28,31 at 42.
ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Minsan ay napakahirap o imposible ang hinihiling mo sa iyong kapartner at nagugulat ka
pa kung hindi ka mapagbigyan, maging makatwiran at realistiko. Kahit marami ang naiinis dahil
sa pagiging pasaway, makikilala ka rin naman sa iyong trabaho. Kulang ka sa sigla ngayon;
huwag mag-alala dahil madali ring lilipas ito. Sa ngayon, pilitin mong mag-exercise. Lucky
numbers: 6,19,41, at 43.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Hindi ka seloso, pero mas gugustuhin mong huwag mapaglaruan ng iyong
karelasyon. Ipaintindi mo ito sa kanya, pero mag-ingat na hindi ito pagsimulan ng away. Ingatan ang
kalusugan, sa halip na karne, kumain ng isda at bawasan ang pag-inom ng kape. Ang problema sa pera ay
hindi agad malulutas; magtipid ng husto at bawasan ang mga gastusin. Lucky numbers: 9,15,18 at 21.
DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Mas nanaisin mong manahimik sa isang tabi kaysa maging bida sa mga umpukan. Mas
panalo ka pagdating sa lalim at linaw ng pag-iisip. Nahihirapan kang intindihin ang ugali ng ilang
malalapit sa iyo, kaya tinitiis mo ito, pero mag-ingat na sumabog bigla ang galit mo na maaring pagmulan
ng away at pagkasira ng relasyon. Huwag mag-alala dahil maaayos din ito. Lucky numbers: 12,26,37
at 44.
39.
BAKA. Isinilang noong
1925/37/49/61/73/85/97
Malaki ang tsansa na matuloy na ang importanteng transaksyon sa negosyo o matapos na
ang proyektong matagal mo nang pinaglaanan ng oras at pagod. Makakamit mo na rin ang matamis
na bunga ng pinaghirapan. Kung may problema sa ngipin, kumunsulta sa dentista agad. Maiirita ka
sa mga maingay mong kapitbahay. Lucky numbers: 9,20,21, at 40.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Maghahanap ka ng atensyon at pagkalinga. Nararamdaman mong napapalayo ang ilang
mahal sa buhay sa iyo kaya parang nasasaktan ka. Magiging malungkot ang panahong ito na sanhi
ng paghihiwalay, pagkakalayo, pagluluksa o hindi pagkakaunawaan. Tulong at simpatiya mula
sa malalapit sa iyo ang kailangan mo ngayon. Abalahin ang sarili upang mabawasan
ang pagsisintimyento. Lucky numbers: 13,17,27 at 30.
KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Bigyan mo rin ng luho ang sarili. Kung namamahalan ka sa presyo, isipin na lang
na magandang investment ito at gaganahan ka lalong magtrabaho. Wala kang problema sa pera
ngayon dahil sa magandang kita sa negosyo o may may mahahanap kang trabaho na mas malaki ang
sahod. Dahil sa mga naranasan mo, mabibigyan mo ng mahalagang payo ang mga malalapit sa iyo.
Lucky numbers: 3,6,14 at 25.
DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
May problema sa pamilya; palagay mo ay sinasadya ng asawa mo na hanapan ka ng mali
at hindi mo na madama ng pagmamahal at suporta nito. Mabuti na lang at nariyan ang mga anak mo
na patuloy na nagmamahal sa iyo. Subukan mong bawasan ang mga pagdududa. Sa trabaho, gawin
ang nakagawian at ipagpaliban muna ang mga importanteng desisyon. Lucky numbers: 16,28,31 at 38.
AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Nerbiyos at pagod ang nararamdaman sa trabaho dahil may ugali kang sagarin mo ng husto
ang sarili. Maghinay-hinay at magpahinga. Iwasan din ang pagkain ng labis dahil makakasama ito
sa iyong tiyan at bato. Sa pamilya at trabaho, mapapanatili mo ang magandang samahan, at
maayos mong maipaparating ang halaga ng masayang pamumuhay. Lucky numbers: 3,9,37 at 46.
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |