Editor's Note |
20 years of service to the community
|
Time flies.
Exactly 20 years ago this month, The SUN shone for the Filipinos in Hong Kong. It was
the fulfillment of a dream that took shape years earlier, or shortly after I arrived here in 1987 and
realized there was no reliable information channel serving the community.
But turning that dream into reality proved to be difficult. Several people offered to fund
the publication of a news-paper, but everyone wanted a business model different from what we had
in mind.
Details...
|
Anak Araw |
Pagpapabaya
|
Nitong nakaraang buwan ay naging saksi tayo sa nangyari kay Manang Gloria Ortinez,
ang OFW na biktima ng tanim-bala sa Manila airport. Halos buong araw kasi ay naglagi siya sa
opisina ng The SUN, kasama ang mga naghatid sa kanya na sina Susan "Toots" Ople na tagataguyod ng
mga OFW, at ang abogado niyang si Atty Spocky Farolan, kaya nasaksihan namin siya nang malapitan.
Details...
|
Migrant's Forum |
Nanay Gloria's journey to HK
|
President Benigno Simeon Aquino III recently told the media that cases of tanim-bala
were sensationalized, citing figures to prove his point. As an OFW advocate, I respectfully
disagree. Looking at this from a purely numbers perspective could lead one to overlook the deep trauma
that such incidents have caused its innocent victims.
Had he met and spoken to 56-year old OFW Gloria Ortinez, our President would have
learned the following:
Details...
|
Know Your Rights |
The Mission
|
This was the speech delivered by the Mission for Migrant Workers' general manager,
Cynthia Tellez, at the launch of the 10-year Impact Evaluation Report of the Mission's work held on
December 5, 2015 at the Li Hall of St. John's Cathedral.
Details...
|
|
With at least one -- and possibly two disqualification cases in the presidential race --
the Supreme Court has assured the nation politics will not dictate its decisions.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
Staff and volunteers at the Mission for Migrant Workers had reason to celebrate when
they launched the non-government organization's 10-year Impact Evaluation Report at Li Hall of St
John's Cathedral on Dec. 4. Nearly all, or 97% of migrants who sought assistance said that they were
helped by the Mission, and more than half of them (57%) said they would recommend the NGO to others.
See this month's stories...
|
|
|
|
|
|
|
April 2014
|
Migrant's Forum
|
|
|
Hindi maikakaila na ang mga obra ni Dr. Jose Rizal,
lalo na iyong mga nagpapamalas ng
kanyang masidhing malasakit sa lipunan at sa mga kababaihan, ang
nagsilbing daan para siya kilalanin
bilang Pambansang Bayani. Ang mga ito rin ang nag-iwan ng
kanyang di-makakalimutan at
di-mapapantayang bakas sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang ating
pambansang bayani ay di tulad ng
mga kalalakihan sa kanyang kapanahunan na mababa ang pagtingin
sa mga kababaihan. Para sa
kanya, hindi dapat inilalagay sa mas mababang antas sa lipunan ang
mga babae, at hindi lang sila
dapat nakatuon sa kanilang obligasyon bilang asawa, kabilang ang
pag-aalaga ng mga anak at
pagtatrabaho sa loob ng bahay. Ipinakita ni Dr. Rizal ang kanyang
mataas na respeto sa mga kababaihan,
at itinuring na kapantay ng mga kalalakihan. Kinumbinsi din niya
ang mga kababaihan na
maging aktibong katuwang sa pagsulong ng kaunlaran ng bansa.
Maraming mga bihasa sa
kasaysayan, kabilang na ang mga manunulat, ang sumang-ayon kay
Rizal sa pagluluklok sa mga kababaihan
bilang pundasyon ng kagandahang asal. Isa sa mga tanyag na obra
ni Dr. Jose Rizal ang kayang "Liham
Para sa mga Kababaihan ng Malolos". Dito ay ipinakita niya ang
kanyang lubusang paghanga sa di
masukat na katapangan ng mga babae sa Malolos, na kanilang
ipinamalas sa pamamagitan ng
pagpupunyagi para magkaroon sila ng isang paaralan na
maihahalintulad sa isang extension school for adult
women sa pangkasalukuyan. Noon pa man ay hinangad na ni Rizal
na ang mga babae ay mabigyan ng
parehas na oportunidad tulad ng mga lalaki, kabilang na ang
edukasyon na magpapalaya sa kanila sa
tanikala ng kamangmangan. Para sa kanya, kung ang mga
kababaihan ay magkaroon ng tamang
edukasyon, sila ay magiging mahalagang katuwang ng mga
kalalakihan sa pagsulong ng kaunlaran ng ating
inang bayan. Ang mga pagnanais na ito na lubusang iangat ang mga
kababaihan ay nanatili sa
panahon ngayon. Hangga't may mga kababaihang nagugutom at
inaalipusta dahil sa kamangmangan
ay mananatiling buhay ang pakikipaglaban para sa kanilang
kapakanan.
Gayunpaman, maituturing na isang malaking pagsulong
na ang makita na ang pangarap at
mithiin ni Rizal para sa mga kababaihan ay unti-unti nang
nakakamit, salamat sa mga grupo ng kababaihan
at kanilang taga-suporta na buong katapangang nakikipaglaban para
sa kanilang mga karapatan.
Bilang mga household service worker at mga babae, maaari tayong
maging kaagapay sa labang ito, kahit
sa mumunting paraan. Lagi nating panatilihin ang diwa ng
pakikipaglaban para sa ating
karapatan, kaayusan at kabuhayan.
Panatilihin nating buhay ang imahe na nais iguhit para
sa atin ng ating pambansang bayani na
si Dr. Jose Rizal. Sulong mga kababaihan, sulong sa kaunlaran!
|
|
|
|
|
|
Listen to:
View print version
Microsoft VBScript runtime error '800a0005'
Invalid procedure call or argument
/RightbarAd.asp, line 18 |